Chapter 28 - Barkada Outing: Fun or Disaster?

252 7 30
                                    

 Oha! Mahaba to! Hahaha. Enjoy! :))))

Natasha’s POV

=_________=

“Natasha?? What’s with your face? Nandito tayo to have some fun! Cheer up!” nilingon ko si Chesca na masayang masaya sa tabi ko.

Sasagot na sana ako ng biglang may tumabig sa balikat ko na dumaan sa gilid ko.

“Oops. Sorry. Paharang harang ka kasi.” ang mataray na sabi pa nito at naglakad palayo ng pakendeng kendeng.

“Aba---t” susugurin ko na sana ito ng pigilan ako ni Sabrina.

“Bitiwan mo ako Sab, lulunurin ko yang Czarina na yan sa dagat! Grrrr” ang nanggagalaiti kong sabi.

“Chill. We are here to relax, para maalis ang stress natin. Wag kang paapekto sa kanya okay?” ang nakangiting sabi sa akin ni Fiona.

“Oh girls, let’s go? Nakuha nyo na ba lahat ng gamit nyo sa sasakyan?”

Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Sir Francis.

We all nodded. Hindi ko alam kung okay sa kanila na nandito din si Sir.

“Oh yeah. Fun, fun, fun! Here we comeee!” ang sigaw ni Bianca at patalon talon pang naglakad.

I wonder if it would be fun or disaster? :/

Nagsimula na din kaming maglakad patungo sa tutuluyan namin. Natanaw ko naman si Dash na kausap ang mga barkada nya. Tumingin ito sa akin.

“Girlfriend!” Tumayo ito at akmang hahalik sa cheeks ko ng biglang tinutok ko sa kanya ang kamao ko.

“What??? Akala ko okay na tayo?” ang nagtatakang tanong nito

“Natatandaan mo ba yung sinabi mo sa akin tungkol sa outing naten Villareal?” kinwelyuhan ko ito at hinatak palayo sa mga kasama namin.

“Huh?” ang nagtataka pang tanong nito.

Flashback…

Woah. Sa wakas, nakalayo na tayo dun sa amazona na yon. Fuck, she’s scary.”  

Sinamaan ko ng tingin si Dash sa sinabi nya. Dinala nya ako sa labas, sa may bench sa gilid ng cafeteria.

“Bakit ha?! Siguro ayaw mong isumbong sakin ni Mimi yung pambababae mo kahapon noh!!”

“Huh? What??”

“What whatin mo mukha mo! Kaya siguro isang araw mo akong di kinontak kasi busy ka dun! Hindi ka lang sa basketball nakascore, kundi pati sa mga chix dun noh???!”

Hindi ko na alam ang itsura ko ngayon, siguro nanlalaki na ang butas ng ilong ko sa inis sa lalaking ito. Hindi ko padin nakakalimutan yung hindi nya pagkontak sa akin nung pumunta sila sa Championship Game. Oo nga’t pumunta sila don para sa laro, pero gosh 24 hours ba yon?? Kahit Hi man lang di sya nagtext!!! >.<

“Oh. About that. Kaya nga pinuntahan kita ngayon para mag explain. Naiwan ko yung cellphone ko kahapon kaya di kita makontak. At hindi ako nambabae, girlfriend. Wala akong tiningnan na babae don. Ikaw lang ang maganda para sa akin.” Sabay kindat pa nito.

“Sige bola pa, Villareal. Dyan ka naman magaling eh. Sa tingin mo maniniwala ako sa palusot mong naiwan mo ang cellphone mo? If I know, ayaw mo lang maistorbo pambababae mo.”

“Sus, girlfriend ko talaga, masyadong selosa.” Lumapit pa ito at yinakap ako sa likuran. I froze. “Gusto mo ng proof? Tawagan mo pa si Mommy, alam nyang naiwan ko ang phone ko kahapon dahil naririnig nyang tunog ng tunog sa kwarto ko.” Sininghot singhot pa nito yung buhok ko na nagbigay sakin ng kakaibang kuryente sa katawan. “Wag ka ng magselos, girlfriend ko.”  ang sabi pa nito sa malumanay na tinig.

Angels' StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon