Para kay @DatGuyStoryMaker sa mga nakakatuwang comments nya. LOL. Di kita matag sa dedication pero dedicated to sayo. Thanks! :)
P.S Anong nangyari sa spacing sa mga chapters ng story ko? :3 Bat naiba iba na? Help? Ang gulo tingnan tuloy :/
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
Natasha’s POV
“Kuyaaaaaaaaaaaa!”
”Ouch sis, sakit sa tenga. Dinig hanggang kabilang probinsya yang boses mo”
“Ayy grabe di mo man lang ako namiss?”
“Oa mo. Mag iisang araw ka palang dito.”
Hehehehe oo nga naman.
Pero lumapit pa rin si Kuya Zeeke sa akin and he slightly hugged me and then he patted my head. Sabi na eh! Namiss din ako ng Kuya ko! Haha!
“Nagbehave ka ba?” ang nanunuring tanong nito.
“Oo naman noh!” Grabe naman si Kuya! Pinagdududahan ba akong gumagawa ng kababalaghan dito! :3
“Eh saan kayo galing ng boyfriend mo? Kanina pa ako nakarating dito. At sabi nila, kanina pa daw kayo nawawala nyan” sabay nguso nito kay Dash na nasa likod ko.
Wow. Maka ‘nyan’ talaga? Bagay lang? Parang walang pangalan boyfriend ko ah. Si Kuya talaga. Umaatake na naman ang pagiging protective.
Kanina pa kasi sya text ng text kung saan kami eksakto pupunta ng mga barkada ko, sila Mommy pumayag agad nung nagpaalam ako pero sya kung ano anong pagkontra ang sinasabi. Dapat daw sumama sya para mabantayan ako. Sus! Yun lang pala ang habol. Gusto din magbakasyon. Haha! So ayun, sabi ko kanina sumunod na lang sa amin dito. Sabi naman ni Dash, okay lang. Aba, dapat lang noh! Dapat makisama sya sa pamilya ko!
Pero haaaaay dapat pala hindi ko na lang sya pinasunod kasi baka hindi ako mag enjoy kasi puro pagbabantay ang gawin sakin nito. :/
Ahh! Di bale, ididistract ko na lang sya. Hehehehe. Nandito naman si Bianca eh. >:]
BINABASA MO ANG
Angels' Story
Teen FictionPitong magkakaibigan. Samahan natin sila sa kabaliwan ng kanilang highschool life at kung makakatagpo ba sila ng kanilang pag-ibig? Seven times na kabaliwan at kilig!! :”> A story of love and friendship! :))