Chapter 19 - Butterflies in my stomach

406 10 4
                                    

Natasha’s POV

“Natasha, bakit ba kanina ka pa nakahawak dyan sa labi mo? Masakit ba yan?”

Hindi ko masyadong naintindihan kung ano yung sinasabi ng nagsasalita sa paligid ko. Basta alam ko, may tumatawag sa pangalan ko.

Napahawak na naman ako sa labi ko.

Shocks. Kahapon pa nangyari yon pero feeling ko kani kanina lang?

Hindi ako makapaniwala. I mean, nakipaghalikan ba talaga ako kay Dash? Sa mayabang, conceited, playboy, gwapo, masarap humalik, teka… bakit biglang naging positive yung sinasabi ko? Nasisiraan na talaga ako ng bait. Huhu

Eto ba, eto na ba ang epekto nun??! Kasi simula nung nangyari yun, di na talaga mawala sa isip ko yung Kissing Monster na yun!! Siguro ginayuma nya ako! Tama! Yun nga!

Nakakainis naman! :3

Kahit anong gawin ko, di ko makalimutan yung nangyari kahapon! T_T

“Hoy!”

Aray!

Lumingon ako sa tabi ko. Bigla na lang akong may naramdamang bumatok sa akin.

“Ano ba ha? Ang sakit ha!!” ang baling ko kay Emerald. Bwisit na tomboy to. Hmmp.

“Ayun. Buti naman kinausap mo na kami. Kelangan mo pa pala ng batok eh” --- Sidney

“Huh?”

“Huh ka dyan! Eh kanina pa kami dakdak ng dakdak dito, nakatulala ka dyan. Kanina mo pa hinahawakan yang labi mo. Anyare ba dyan? Bakit  parang mapupula? Parang namamaga?” ­--- Bianca

Weh??? Namamaga??? Grabe! Ganun ba talaga kaintense yung ano…yung ginawa namin ni Dash >////<, para maging ganito yung labi ko.

Napakaperv kasi ng Villareal na yan eh! Kung makahalik, pro na pro! Tinuturuan pa ko! Waaaaaaaaaah! Pag naaalala ko yon. Nahihiya ako, grabe.  >////////<

“Oh? Bakit namula naman pisngi mo bigla?” --- Sabrina

“You know what? You’re sooooo weird. Since yesterday pa. After nung swimming class natin.” --- Chesca

“Oo nga, napansin ko din yun. Even Fiona. Simula nung parehas silang biglang nawala kahapon, pagkabalik nila, ang wiweird na nila.” --- Sidney

Napabaling naman ako ng tingin kay Fiona na tahimik lang sa tabi. Nakatulala.

Mukha ngang parehas kami ng kalagayan nito ngayon. Yung mga lalaki kasi na yun eh. Pampagulo ng sistema!

Naalala ko yung mga narinig ko kahapon. Si Sir Francis, fiancee si Fiona. Grabe. Hindi pa din ako makapaniwala. Wala kaming kaide-idea. May ganito na pala?

Hindi ko alam kung magtatampo ako dahil nilihim samin to ni Fiona o ibabalita ko sa Angels ang nalaman ko. Pero pinili ko na lang munang manahimik. Kakausapin ko si Fiona.  Gusto kong marinig ang paliwanag nya. Alam ko may malalim na dahilan kaya hindi nya sinabi samin ito. Hahanap ako ng tyempo para makausap sya ng kaming dalawa lang.

“Oh. Ayan ka naman. Tulala ka na naman. Nakakatakot ka na Natasha ha? Sabihin mo sa amin ang totoo. Nagdadrugs ka ba? Wag kang mag-alala, sa abot ng makakaya namin, iintindihin ka namin.” --- Emerald

Luh. _ _” Paano umabot sa pagdadrugs to?

“Eh mukhang ikaw nakatira ng drugs sating dalawa eh! Umuwi na nga kayo!”

Angels' StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon