Chapter 24 - Blind Date

275 6 1
                                    

Natasha’s POV

Hindi ko pa rin mapigilang matawa habang naaalala ko ang nangyari sa cafeteria kanina. Grabe. That was epic.

“Tss. Crazy girl”

Napalingon naman ako ng marahas sa lalaki dito sa tabi ko at tiningnan ako ng masama.

“Ano binubulong bulong mo dyan huh?!”

“Ang sabi ko, ang ganda ng girlfriend ko.”

Namula naman ang mukha ko sa sinabi ni Dash. Kahit na alam kong di naman yun ang sinabi nya, kinikilig pa din kasi ako kapag naiisip na ‘boyfriend’ ko na talaga ang lalaking ito. >///< Mas lalo pang pumula ang mukha ko nang unti unti itong lumapit sa akin, palapit ng palapit ang mukha nya kaya napapikit na lang ako. May naramdaman akong kinuha ito sa gilid ko at may mahinang click. Nagulat na lang ako nang pagdilat ng mata ko ay nakangisi ito ng malaki na parang naisahan ako.

“Seatbelt mo. Di mo kinabit. Bakit ka nga pala pumikit?” Ang sabi nito na nang aasaar.

Damn you…you..ugghh asshole! Shiz. Hindi ko mapigilang mamula.

What were you thinking Natasha? Na hahalikan ka nya? Gosh. Naaadik na ata ako sa mga halik nya. Waaaaaaah.

Nasa kotse nya ako ngayon dahil ihahatid daw nya ako pauwi. Ang bait lang diba? Sooobrang pagentleman. Boyfriend na boyfriend ang dating. And I find it sweet….pero kanina  lang yon. Kasi ngayon..ugggh! Siguro kaya nagvolunteer sya na ihatid ako para may maasar na naman sya! >__<

“Wala! Napuwing lang ako! Hmp!” Napuwing Natasha? Seriously? Sa loob ng kotse? Wala ka nabang maisip na ibang madadahilan? -_-

“Okay. If you say so.” Ang natatawa nitong sabi.

“Oo nga pala. Ano nang nangyari kay Calvin?” Naisip ko nalang na itanong habang nagmamaneho ito para makaligtas sa pang-aasar nya >.<

Nag-aalala din naman ako kay Calvin. Grabe. Nahimatay ang loko after gawin punching bag ni Emerald ang mukha nya. Lesson learned. Wag gagalitin si Emerald. Lagi ko pa namang inaaway yun. Buti na lang di pa lumalanding kamao nya sa byutiful fes ko. Ang lakas sumapak eh. Lalaki nga po talaga sya T^T

“What do you think?” Nakangisi na lumingon pa ito sakin.

“Tse! Tinatanong ko nga sayo eh!” di ko napigilan at hinampas ko ito sa braso. Pang asar talaga!

“Hey. Stop that, I’m driving. Pag tayo nabangga..”

“Hindi ka naman mamamatay kapag nabangga tayo noh. Masamang damo ka kaya! Psh.”

“Hindi nga ako mamamatay pero ano sa tingin mo mangyayari sakin kapag may nangyaring masama sayo? Parang namatay na din ako.”

Nag init ang mukha ko sa sinabi nya. Napaharap ako sa bintana sa tabi ko para itago ang pagbablush ko. Is he serious? Mamamatay sya kapag wala ako?? O. M. G. Nagwawala ang mga paru-paro sa stomach ko. Kalma lang kayo dyan guys. I can’t breaaaathe.

“Kilig ka noh? Gwapo ko talaga.”

Bigla akong napaharap sa kanya at sinamaan sya ng tingin.

WOW VILLAREAL. YOU JUST RUINED THE MOMENT.

Okay na eh! Pero parang gusto kong pagsisihan na pumayag akong maging girlfriend mo. Kailangan mo lang pala ng mabubully. >.<

“Fvck you, boyfriend”

“I love you, too girlfriend.” at tumingin ito sakin ng seryoso.

Angels' StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon