Chapter 27 - Half Angel

246 9 8
                                    

Natasha & Bianca on the right side -->

Sidney’s POV

“Wooooooh!!”

“Cheersss!”

“Let’s partyyyyy!”

Puro hiyawan at tawanan ang maririnig sa paligid ko ngayon. Lahat ay nagkakasiyahan dahil overall champion kami. Hindi din mawala sa mukha ko ang ngiti. Last game ko na kasi to dahil huling taon ko na sa SAHS (San Agustin High School). Ang gandang pabaon bago ako grumaduate! At paniguradong matutuwa ang parents ko. Sana maging proud sila.

Umupo na lang ako sa table namin at pinagmasdan ang paligid. Dito na lang muna ako saglit at lumayo sa mga kasamahan ko. Nakakasuffocate kasi sa dami ng tao.

“Hi Miss, can I get you a drink?”

Napalingon ako sa lalaking biglang sumulpot sa tabi ko. Hindi ko sya kilala. Nakangisi ito sa akin at nang aakit ang mga tingin.

Napabuntong hininga na lang ako.

Hindi naman sa pagmamayabang pero karamihan ng mga lalaki dito sa bar ay kanina pa nagpapapansin sa akin. Well, sabi nga ng karamihan, ideal girl daw ako, para akong barbie, sexy at maganda. Model ang dating.

“No thanks” Pagtanggi ko.

“Common’ isang drink lang” ang pagpupumilit pa nito at akmang ibibigay sakin ang baso ng alak na hawak nya.

Naiinis na ako. Hindi ba nya maintindihan ang salitang No? Uggh

Hindi ko na lang sya pinansin at tinalikuran sya. Aalis na sana ako ng bigla nyang hinawakan ang braso ko kung kaya’t napalingon ulit ako sa kanya.

What the hell?

“Pakipot ka pa eh, tara na nga, sumayaw na lang tayo.” He grabbed my arm at pilit na dinadala sa dance floor.

Sasampalin ko na sana ito ng biglang may humatak sa akin, dahilan para makawala ako pagkakahawak ng lalaking bastos.

“Aba pare pakialamero ka ah” at akmang susugurin ng lalaki si… Chase?

Nagulat ako nang ang lalaking nagligtas sa akin ay ang walangyang ex ko. So.. nagfefeeling hero ko na sya ngayon? Nakalimutan kong kasama na nga pala sya ngayon sa varsity kaya di na kataka taking bigla na lang syang susulpot sa paligid ko ngayon dito.

“Ha! Try me” Ang nakangising sabi nito at may dinudukot na bagay sa bulsa nya at ng bumakat ito ay nagulat ako.

Wait, was it a gun?

Nilabas nya ito at nahintakutan ako bigla. Baril nga. Ang lalaking kanina ay maangas, ngayon ay biglang tumalikod at kumaripas ng takbo.

“Tsk. Wala ka pala eh.” Ang narinig kong sabi ni Chase.

 “Was it..was it really a gun???” ang nanlalaki ang matang tanong ko sa kanya.

“Ah eto..?” sabay pakita pa sa harap ko. Kinalabit nya ito at lumabas ang apoy sa dulo. “Lighter” at tumawa pa ito ng malakas.

Wow. What the..?!

Napailing na lang ako at napatingin bigla sa kamay nyang nakahawak pa rin sa braso ko. Nakita nya sigurong nakataas ang kilay ko at nakatingin sa kamay nya kaya dali dali nyang itong binitawan.

“Sorry.” Ang kakamot kamot sa batok na sabi pa nito.

Medyo nasanay na din ako sa presensya ni Chase after nyang magtransfer ulit sa school. Nung una, hindi ko matagalan na makita sya dahil naaalala ko ang nangyari nuon, ang panggagago at pang iiwan nya sakin. Kung inaakala ng iba na napatawad ko na sya, well, they thought wrong kasi wala sa bokabularyo ko ang salitang kapatawaran para sa kanya. Ginagawa ko lang ang pakikipag usap sa kanya na parang walang nangyari just because I have a plan. Gusto kong mahulog ulit sya sakin at sa huli, iiwanan ko din sya katulad ng pang iiwan nya sa akin. Naiisip ko palang ang gagawin kong pagpapaikot sa kanya, hindi ko na mapigilang mangiti.

Angels' StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon