Chapter 3 - Andrew Dash Villareal!

786 21 20
                                    

Dedicated kay Marjorie :))

**********

Flashback…

Masaya palang bumarkada dito sa mga sosyal na to.. Nakakagala ako sa mga magagandang lugar, madami akong nakakasalamuhang mga gwapo *O* Tulad ngayon, nandito kami sa party sa bahay ng isa sa schoolmate namin. Hmmm..di ko kilala. Basta hinila na lang ako ng mga bruha este ng mga angel na to. Pfft.

After kasi nung incident na nakisalo ako sa kanila sa ‘royal table’ daw nila, ayun.. araw araw kasabay ko na sila. Akala ko nung una, mahirap silang pakisamahan pero kalog din naman pala. At buti na lang, nakahanap na ako ng mga kahanay ng beauty ko. Mehehehe. At ayun, naging part na ako ng ANGELS :))

“Yeah..woooh! I so love this party!!!” sigaw ni Bianca.

Ngayon ko lang nalaman, sobrang wild pala nitong si Bianca. Ang bata bata pa namin pero may boyfriend na pala sya.

“Tara Natasha, sayaw ka!! Yeah!!”

Hinila ako ni Chesca at Bianca sa gitna ng marangyang sala kung saan nagaganap yung sayawan. Lumingon ako kila Sabrina, Fiona , Sidney at Emerald para humingi ng tulong, pero tumawa lang sila at tumango na parang sinesenyasan nila ako ng ‘Go! Okay lang yan!’. Nagpatianod na lang ako at sumayaw ng Oppa landi style, joke lang XD. Ewan ko kung anong klaseng sayaw ang pinaggagawa ko o kung sayaw nga bang matatawag yun. Habang sumasayaw, ginala ko ang mata ko sa paligid. Grabe, andaming tao, may mga nag-iinuman, may mga nagmememake out na, may mga maiingay na nantitrip ng estudyante.

Napako ang tingin ko sa dulong bahagi ng sala. May isang lalaking nakasandal sa pader at umiinom ng alak. Parang nakakaakit syang tingnan, ang lakas ng dating nya. Kahit pakislap kislap ang ilaw, natitigan ko pa din ng husto ang mukha nya. Ang matangos nyang ilong, ang nakakaakit nyang mata, at ang mapupula nyang mga labi na parang kaysarap halikan. Oh wait ano ba tong sinasabi ko. Nagiging manyak na ako -_- Erase. Erase. Pilit kong binabaling sa iba ang pansin ko pero parang may magnet sya na di ko mabitaw bitawan ng tingin. Bigla syang tumingin sa akin.

Lubdub.lubdub.lubdub.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganon? Siguro sa sobrang pagod ko sa pagsasayaw to’. Pero bakit parang wala akong ibang marinig kundi ang mabilis na pintig ng puso ko. Nawala ang nakakabinging tugtog at sigawan. Nagkatitigan kami. Hindi ko nabilang kung ilang segundo yon pero para sakin parang napakatagal ng sandaling yon.

Biglang itong ngumisi at kumindat sakin sabay lagay ng bote ng alak sa mesang nasa tabi nito at umalis.

Nakatulala pa din ako at di makagalaw..

“Huy Natasha!”

Naramdaman ko na lang na parang may tumapik sa balikat ko. Kinakausap pala ako ni Bianca.

“Anyareh sayo teh? Para kang natuklaw ng ahas dyan” – Bianca.

“Ah..eh wala.”

“Ehem. I saw that.. ayiiih” – Chesca

“Huh? Anong sinasabi mo?

“Asus, Don’t try to deny it, katitigan mo si Dash kanina eh” ---  Chesca

“Omg! Si Dash talaga friend?? Nasaan? Nasaan ang mala greek god na kagwapuhan nya *O* ?” --- Bianca

Angels' StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon