Chapter 18 - Mouth to mouth resuscitation

394 9 4
                                    

Fiona’s POV

“Oh em gee!!!! This is the most exciting sport everrr. My gosh! Buti na lang dinitch ko yung kadate ko at pumasok ako dito sa klase ni Sir Martin!! :”>”

Aray naman. Wasak na naman eardrums ko dito kay Bianca -__________-

“Uhm Bianx, pwedeng pakihinaan yung volume ng bibig mo?” -_-

“How can I? Tell me. Kung ganito kagugwapo yung mga mga nakikita kong nagsuswimming, mapapatili ka talaga. Oh my! 6 pack abs everywhere!” sabi ni Bianca sabay lingon pa sa paligid.

“Agree *O*” sabi naman ni Natasha na kumikinang din ang mata.

“Oi Natasha, baka makita ka ng boyfriend mo dyan.” --- Sabrina

Oo nga. Mamaya magselos yun, magkagulo pa dito. Seloso din pala yun.

“Hmmmp. Hayaan nyo nga sya.” --- Natasha

“Nasaan ba yung syota mo ha?” --- Emerald

“Ayun oh” sabay nguso ni Sidney kay Dash na nasa pool na napapaligiran ng mga babae.

Napalingon kaming lahat kay Natasha. Nako. Patay na. Nagbubuga na naman ng masamang enerhiya sa katawan ang kaibigan namin. Dyos ko po. Gabayan nyo po sya. Wag nyong hayaang masapian sya ng masamang elemento.

Nandito kasi kaming lahat na 4th year sa swimming area ng school. Iaapply na namin yung napag-aralan namin kay Francis este kay Sir -___-

Actually, may pacontest thingy pang nalalaman yung mahangin na Sir namin. Kaya todo praktis na kami at ang klase nila Dash kasi magkalaban yung klase namin, bubunot ng magsuswimming at magpapabilisan.

Pero iba ata inaatupag ni Dash. Lagot na. Gyera na naman to. XD

Dumaan si Sir sa harap namin at tumingin sya sakin sabay smirk.

Problema nitong unggoy na to??! Akala nya maaakit ako sa mga muscles nyang naglilitawan at yung perpektong abs nya?? Pati na din yung wet look nya na parang nang-aakit?? No way! Ang pangit nyaaaaa!

Napasibangot na lang ako at akmang kakausapin ang Angels pero paglingon ko sa kanila..

They were like..

O____O

Titig na titig kay Sir na parang gustong haplusin yung mga abs nya!

Grabe ha! Osige ikaw na! Ikaw na talaga Sir ang papansin sa mga kabataan dito! Papampam!

Hanggang sa pagpunta nya sa gitna ay sunod pa rin sya ng tingin ng mga babae. >.<

Tumigil naman sya at biglang pumito.

Lumingon kaming lahat (halos lahat naman pala nakalingon na sa kanya kanina pa eh) at nagsimulang magsalita.

“Okay class. Better be ready coz we are about to start.”

Di naman ako masyadong kinakabahan kahit ako ang mabunot. Duh. Magaling kaya akong magswimming. Lumaban ako ng swimming competition nung elementary pa lang ako.

“From IV-Jade, Miss Sarah Dominguez.”

Sarah? Ah. Yung kasamahan ni Sidney sa cheering squad na kabarkada ni Czarina. Isa pang fliiiirt. Mana sa kaibigan.

Naglakad naman ito sa gitna at nagpose pose pa suot ang kanyang two piece bikini. Yung mga kalalakihan naman sa harapan tuwang tuwa.

Hello? Ang landi mo po. Hindi ito fashion show. Hmmp. Panigurado, itong Francis na to tuwang tuwa din kasi andaming nyang nabobosohan. Style nya bulok.

Angels' StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon