Chapter 32 - Mind Reader

151 8 2
                                    

 

Natasha’s POV

 

 

“So…wala ba talagang nangyari?”

“Mandiri nga kayo sa mga sinasabi nyo!” ang naaasar na sabi ni Emerald at biglang tumayo. “Alam nyo? Pagod lang yan. Itulog nyo na lang yan ha. Kasi ako pagod na at kailangan ko ng matulog.” Dumiretso ito sa kama, nahiga at nagtalukbong.

 

 

“Why are you soooo tired?! Anong ginawa nyo ni Calvin ha? Omg omg omg!” ang naghahyperventilate na sabi ni Chesca.

Hahahaha. Baliw talaga to. Parang bulate kung makakilig. Pero di ko sya masisisi, ako din curious kung anong nangyari sa date nila! First time lumabas ni Emerald na kasama lang ay lalaki. Successful kaya ang plano namin? :”)

“Zzzzzzz”

Nagtulug tulugan at naghihilik kunwari para hindi na namin makausap. -_-

Bakit kaya sya umiiwas? May dapat kaya kaming malaman? Oh em!

Mas lalo pang tumibay yung hinala ko nung nakita ko yung post ni Calvin sa instagram. I mean, hello? Shunga na lang ang di makakagets nung hashtag nya na beautiful! Hindi yung scenery yun eh! I can feel it. Si Emerald yun. Ang saya! Mukhang magiging kupido ako ah :))))

“Alam nyo, wala kayong mapapala kay Emerald. Hindi pa ba kayo nasanay dyan?” ang natatawang sabi ni Sabrina.

Ehhhh kasi naman eh! Masama bang umasa? Gusto ko na talaga syang magkalovelife! :3

“Para kang nanay ni Ems ha? Hayaan nyo sya sa trip nya.” Ang nakairap na sabi ni Bianca.

Hmmmp. Kahit kailan talaga kontrabida tong babaeng to.

“Nasaan pala si Kuya?”ang asik ko sa kanya.

“I don’t know. Hanapan ba ako ng nawawalang playboy?” ang nakasimangot na tugon nito.

Ahhh! Alam ko na kaya ganito na naman ang mood nito.  May LQ na naman sila ni Kuya Zeeke.

“Eh nasaan si Dash?” ang balik tanong din naman nito na parang nang aasar

Angels' StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon