Chapter 7 - Stay :'(

594 14 13
                                    

Dedicated kay sissy Rhine :* Thanks for reading :)

**********************

Sidney’s POV

“Hi Siiiiiiiiiidney!”

“Sid, kumusta ka na?”

“Sidney, pwede bang dumalaw sa bahay ninyo mamaya?”

Haay. Eto na naman sila.

Papasok kami ng simbahan ng makasalubong ko ang mga anak ng business associates ng parents ko.

Kahit ayaw ko namang makipagplastikan at makipagmabutihan, di ko pa din magawang deadmahin sila. Kailangan eh. Utos ng magulang.

Ako si Sidney Kathrine Sandejas. Sikat sa school. Maganda. Sexy. Perpekto. Yan ang tingin sakin ng karamihan. Akala nila tulad ako ng mga magulang ko. Anak kasi ako ng mga Sandejas kaya akala nila dapat kung ano ang magulang ko nuon, ganon din ako. Pati magulang ko, ang laki ng ineexpect sa akin. Bawat galaw ko tinitingnan nila. Dapat ganito, dapat ganyan. Pati isusuot ko pinapakialaman nila. Feeling ko wala na akong kalayaan sa sarili kong desisyon.

“Hoy mga ate at kuya, pwede pong mamaya na kayo makipagchikahan at kung manliligaw man kayo, wag dito, simbahan po ito. Tabi nga. Hmp!

Lumingon ako kay Natasha at ngumiti. The best talaga sya, alam nya kung kelan nya ako sasaklolohan.

Pagkaupong pagkaupo namin, awtomatikong gumala ang mata ko sa paligid. Napatingin ako sa kanang bahagi. Napangiti ako sa mag-anak na nagsisimba sa may upuan sa kabila. Ang cute cute nung batang karga nung mommy nya :) Tapos mukhang mahal na mahal pa sya ng magulang nya.

Napatigil ako. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Parang may matang nakamasid sa akin.

Nagpalinga linga ako at-----

Lumakas ang tibok ng puso ko.

Bakit nandito sya? I mean, alam ko matagal na silang wala ng pamilya nya dito sa lugar namin, simula nung…simula nung…argh! Ayoko ng alalahanin. Bakit bumalik pa sya?! Kung kelan okay na ako. Pero..okay na nga ba talaga ako? Bakit ganito? Ngayong bumalik sya parang nanumbalik lahat ng sakit.

Pinagmasdan ko sya. Parang ang laki ng pinagbago nya. Hindi na sya yung simple na nakilala ko dati. Parang may kakaiba na sa dating nya, ewan ko pero parang malayo na sya dating ordinaryo.

Ano ba Sidney! Get a grip on yourself! Bakit ba inaalala mo pa yung nakaraan?!

Bumalik na naman ang galit sa mata ko at pagkalito ng puso ko.

Nagkatitigan kami. Bigla syang napayuko. Alam ko, nakikita nya, puro puot ang nasa mga mata ko.

Nagsimula na ang misa.

Panginoon. Alam ko pong hindi tama magtanim ng sama ng loob pero bakit po ganito ang nararamdaman ko? Bigyan nyo po sana ako ng gabay kung ano ang dapat kong gawin. Kasi ngayong nandito na naman sya, hindi ko na alam, gulong gulo na naman ang utak ko, bumabalik na naman lahat ng sakit :(

Sa pananatili ko sa simbahan, hindi ako mapakali. Alam ko nakatingin sya. Gusto kong umalis. Gusto kong tumakbo. Yung malayo sa kanya. Yung hindi nya ako makikita at makakausap. Ayoko. Ayoko nitong nararamdaman ko.

Pagkatapos na pagkatapos ng misa. Tumayo na ako at dali daling lumabas ng simbahan.

“ui, wait lang Sid. Nejejebs ka ba? Hehehe.” 

“Tara na nga, sundan na natin..bilis bilis.”

“Let’s go, Angels!”

Angels' StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon