"I am not a product of my CIRCUMTANCES. I am a product of my DECISIONS."
-Steven Covey.
Russel POV
[Boss, naikulong na namin si Dr. Johnson sa bodega.] ang magandang balitang narinig ko kay Aley sa kabilang linya.
Abot hanggang tenga naman ang hatid ng balitang iyon sa akin.
Para akong nabunutan ng maraming tinik.
"Magaling!" ngiting nasasalabi ko at pinatay na ang tawag.
"Sa Cavite." ang makapangyarihang utos ko sa driver at kampante na akong napasandal sa backrest ng sasakyan.
"Yes boss!" tumalima naman ang driver at nilakasan ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Napapangiti na ako.
"Boss, you need to see this!" ang basag ng bodyguard ko sa akin saka nilingon pa ako mula sa shotgun seat.
Iniabot pa niya ang newspaper.
Kunuha ko naman iyon at tiningnan.
"Bankruptcy of Don Santiago." ang nabasa kong nakaheadlines.
"Sh*t!" nag-uumapaw sa galit na bulyaw ko.
Hindi dapat mamulibi si Don Santiago. Marami akong sisingilin sa kanya.
"Get him! He's the next..." nagpipigil na utos ko at kinuyom ang newspaper saka itinapon sa isang sulok.
Iwinasiwas ko na ang aking ulo.
Gusto kong tadtarin ng pinung-pino si Don Santiago.
Pero kailangan ko munang magpalamig sa ngayon dahil si Dr. Johnson na muna.
Lahat sila ay magbabayad.
.
Isang mahaba-habang biyahe rin saka narating namin ang resthouse sa Cavite.
Kanina pa naghihintay si Dr. Johnson ng kanyang magiging hatol.
.
Hindi na ako makapaghihintay pa habang bumubukas ang halos sampung talampakang automatic steel gate.
.
Pagkababa ko ay sinalubong na ako ni Aley.
Iniabot niya sa akin ang gloves, na isinuot ko naman agad.
Kasunod ang holster na naglalaman ng 45 caliber at isang dagger, na inilagay ko sa aking balikat.
.
Ilang saglit pa ay natampad na kami sa harapan ng bodega.
.
"Who are you?" nag-aapoy sa galit na galing sa mga mata ni Dr. Johnson nang bumukas ang pintuan.
Para itong tigre na nagbabadyang sugurin ako kung hindi lamang nakaposas ang mga kamay nito sa likuran ng bakal na upuan.
BINABASA MO ANG
Never AGAIN!
ChickLitBook6:Never Again (Completed) by NyllelaineNyeNight from old title: TO WIN HER BACK! The story of Grecylle and Arthur. Grecylle: He's my first in everything. My first love. My first kiss. The first. Pero ang akala kong perpektong relasyon ay mauu...