Chapter 7 - Loving her

3.2K 99 6
                                    

"Being someone's FIRST LOVE may be GREAT, but to be their LAST is beyond PERFECT."
-winter lyrics.wordpress.com

.

Arthur POV

"Kanina pa po namin Sir Arthur kinakatok si Miss Grecylle pero hindi niya kami pinapansin." nag-aalalang salubong sa akin ni Manang Delia.

Napatango na lamang ako.

Ghad, kahit sa business conference kanina ay si Grecylle lang ang naka-ukupa ng buong isipan ko! Hindi matatahimik ang kalooban ko hangga't hindi kami nagkakaayos.

Nasa kanya man ang master's card ay marami pa akong mga nakareserbang mga card dito.

Napapangiti na lamang ako habang ini-swipe ko na ang card sa control ngunit natigilan ako ng nakalagay na error.

My goodness, nagawa na niyang palitan ang mga code. Nasapol ko ang aking ulo. Napaka-clever talaga niya.

Kailangan ko na nga talagang pumasok sa sekretong lagusan papasok sa room ko.

Nagtungo na ako sa mini library, nagmasid-masid pa ako sa paligid. Nang masigurado kong walang tao ay tahimik ko nang pin-ress ang button sa gitna ng mga bookshelves at napabukas naman iyon.

Mabilis na akong pumasok saka pin-ress ulit ang button papasarado.

.

Sa built in closet na nasa dressing room ang labas ko.

.

Pagkatuntong ko ng silid ko ay isang di mawaring amoy ang samalubong sa akin.

Amoy sunog ang buong paligid.

Marahan na akong lumabas ng dressing room at pagkalabas ko'y nakita kong nakahandusay si Grecylle sa may sofa habang may hawak-hawak parin siyang kupita sa kanang kamay.

Ghad, halos maubos na niya ang isang bote ng alak. Nakita ko rin sa side table ang beacon at steak na halos nasunog na ang kalahati.

Napalingi-lingi na ako. Gaya ng dati ay trying hard parin siya sa pagluluto.

Ini-on ko pa ang exhaust na nasa isang sulok bago ako napalapit sa kinaroroonan niya.

.

Nangangamoy alak narin ang ilang bahagi ng carpet saka nagkalat narin roon ang mga chocolate wrappers at mga chitchirya.

Napabaling na ako kay Grecylle at nagpasya na akong kunin sa kamay niya ang kupita.

Mariing napatingin pa ako roon. Napabugtung-hininga na ako.

Katulad nitong kupita na alam kong sa oras na mabasag ito ay hindi mo na mabubuo ulit.

Biglang may gumuhit na kirot sa puso ko. Pero umaasa parin ako at patuloy na umaasa.

Gusto kong umiyak. Sana ay kahit kunti may natitira paring pagmamahal diyan sa puso mo.

.

"Hon," mahinang tawag ko at hinawakan ko pa siya sa magkabilaang balikat saka isinandal ko na siya sa backrest ng sofa.

Wala siyang kalakas-lakas na nakasandal roon. Napapangiti na lamang ako habang mariing pinag-aaralan ang buong mukha niya.

Marahan kong hinawi ang buhok niyang nakatakip sa kanyang pisngi.

Saanmang anggulo tingnan ay siya lang ang babaeng pinakamaganda sa paningin ko.

At patuloy parin akong nabubuhay hanggang ngayon dahil sa pagmamahal ko para sa kanya.

Never AGAIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon