"LIFE is the art of drawing without an ERASER."
-John W. Gardener.
Grecylle POV
Nagising akong maaliwalas ang nararamdaman kinaumagahan.
Hindi ko na mabilang-bilang kung ilang beses naming pinagsaluhan ni dela Fuente ang buong magdamagan.
Wala akong makapang pagtutol sa puso ko.
Napabangon na ako saka napaupo sa gilid ng kama at hindi ko maiwasang isipin ang mga kagagahan ko.
Makakawala pa kaya ako sa kanya matapos kong ipaubaya ang sarili ko? Ghad, hindi ko na naman ginamit ang isip ko.
.
.
Nakita kong kakalabas lang ni dela Fuente sa banyo. Napako na ang tingin ko sa kanya. Naka-boxershort lang siya at walang damit pang-itaas.
Iwinasiwas pa niya ang basang buhok. Hindi man nag-matured ang mukha niya ay halos perpekto naman ang pagkakahubog sa kanyang katawan.
Kitang-kita ko na ngayon ang halos kabuuan niya maliban lang sa kanyang __ ghad!
Naramdaman ko ang libidong nanggagaling sa aking kaibubuturan. My goodness, ako pa ba ito?
Ano na naman kasi ang tinitingnan ko? Doon pa talaga ako napatingin sa umbok na nasa loob ng kanyang boxers short.
Maningning na napangiti siya sa akin. My goodness, iniba ko na ang tingin. Alam kong namula ang mukha ko. Muli akong napahiga at nagtalukbong ng kumot.
Ghad, kunin Mo na ako! Nakakahiya! Isang kahihiyan ang mga nangyayari...
.
"Hon," paglalambing pa ni dela Fuente sa akin at naramdaman kong napahiga na siya sa tabi ko.
"Doon ka nga, mababasa ako sa'yo." pagtataboy ko sa kanya.
Ngunit imbes na lumayo ay hinila pa niya ang kumot sa akin at itinapon na lang niya sa kung saan saka niyakap na niya ako.
"Dela Fuente!" asik ko.
Ngiti pa ngang ikinulong niya ang mukha ko.
"I love you hon!" sabi pa niya habang inilalapit ang kanyang mukha sa akin.
Ghad, DISGUSTING! Nagkukumawala na ako sa kanya. Ayaw kong madagdagan ang mga kahihiyan ko!
"Stop it! Sisigaw ako..." pagbabantang sambit ko pero mas lalo pa nga niyang inilalapit ang sarili sa akin.
"Pagkatapos ng mga nangyari kagabi ay..." hindi ko na hinayaan pang tapusin niya ang sinasabi.
Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya.
Natigilan siya pero kahit ako'y natigilan din.
Napatayo na siya saka tinalikuran na ako, "Hinihintay na nila tayo sa labas." sambit pa niya at tuluyan na niya akong iniwan.
Naiinis na sinundan ko naman siya ng tingin habang papuntang dressing room.
Maya-maya'y nagpasya na akong bumangon nang narinig kong tumunog ang phone ko.
Napabaling na ako roon at nakita ko sa screen ang pangalan ni Kuya Mark.
Ilang sunud-sunod na bugtung-hininga ang pinakawalan ko. Alam ko na 'ata ang patutunguhan ng pag-uusap naming dalawa.
My goodness, sa dinami-rami ng tao sa mundo ay siya pa ang naging kapatid ko! Kapag mamalasin ka nga naman!
"Bakit ba kuya? Nagpapahinga ang tao, nang-iistorbo ka..." may pagkairitang tanong ko.
Narinig ko naman ang halakhak niya sa kabilang linya.
[Later na ang lablaban. We're preparing foods para sa inyo ni Arthur. Kumain muna kayo para makarami...] Pang-iinis pa niya na kahit nasa kabilang linya ay nakikinita ko ang abot hanggang tenga niyang mga ngisi.
"Tumahimik ka kuya, sasapatusin kita diyan eh! Ayaw kong kumain..." nawawalang pasensiyang sabi ko.
[Let me guess, baka hindi ka makalakad kaya ayaw mong lumabas?] panunukso parin niya kaya iritang ini-off ko na ang phone ko.
"Kainis!" sunud-sunod na bulalas ko. Wala talagang sense na kausap!
.
.
.
.
Halos isang oras ang nakalipas at lumabas narin kami ni dela Fuente.
Nagpatiuna na ako sa paglalakad. Hindi parin kami nag-iimikan sa isa't isa simula kanina.
Ayaw kong madagdagan ang aking kahihiyan!
.
Pagkarating namin ng dining area ay sa amin ang atensiyon ng lahat.
Si daddy sa pinakadulong bahagi ng table katabi si mommy.
Sa tabi ni mommy nandoon si Kuya Mark, na katabi ang maybahay niyang si Thesa.
Sa harapan nila kuya ang namayapang asawa ng kakambal ni kuya na si Audrey at ang pinaka-cute kong pamangkin na si Luke.
"Good morning!" masayang bati pa ni dela Fuente.
Napangiti naman sila at bumabati narin.
"Peaceful ang Marawi!" salubong pa ni kuya at sinundan na naman niya ng nakakalokong mga ngisi.
"Shut up!" naiinis na sabi ko saka binigyan ko siya ng isang pamatay na tingin.
"How's the newly wed?" ngiting tanong pa ni Audrey ngunit inirapan ko siya.
"Napakasadista nitong kapatid ko Arthur. Bugbog-sarado ka sa kanya malamang. Kaya bawal galitin ang tigre, maniwala ka!" sabad na naman ni kuya.
"Kung ikaw kaya ang sapakin ko kuya!" sambit ko at hinawakan ko na ang palad ni dela Fuente saka doon ko siya pinaupo malapit kay Daddy.
"Kitams, laging may red flag!" patuloy pa ni kuya.
..
Isang puno ng tuksuhan na agahan ang nangyari. Hindi parin tumitigil si kuya sa panunukso sa amin.
Ikaw ba naman ang kumain ng iyong mga sinabi?
At ang pinaka-worst sa lahat ay ang magpakasal ng ganoon kadali sa taong halos isumpa mo na. Ako na talaga!
My goodness, para gusto kong lalamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan!
Ghad, SAKLAP!
--------------------------------------------------
-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
Never AGAIN!
Romanzi rosa / ChickLitBook6:Never Again (Completed) by NyllelaineNyeNight from old title: TO WIN HER BACK! The story of Grecylle and Arthur. Grecylle: He's my first in everything. My first love. My first kiss. The first. Pero ang akala kong perpektong relasyon ay mauu...