"The most important thing in the world is FAMILY and LOVE."
-John Wooden.
Grecylle POV
Pasimpleng pinihit ako ni Tito Russel papalayo sa mga tao.
At halos kaladkarin niya ako makalayo lamang sa mga labi ni Arthur.
Nakita kong puno ng mga galit ang nakaguhit sa buong mukha niya kaya nakaramdam ako ng nakakahilakbot na takot.
Ano'ng pinaplano niyang gawin? Kinikilabutang pagtatanong ko sa aking sarili.
Sa kalagayan ko ngayon ay madali niyang maisasagawa kung anuman ang mga masasamang binabalak niya.
My goodness, bakit ko pa kasi pinaalis si Ate Thesa kanina? At bakit hindi ko man lamang naisipang nagsama ng kahit na isang bodyguard, lalo pang nasa kuta ako ng mga pumatay ka Arthur.
Sa mga kamay na bakal ng isang makapangyarihang si CCEO Ortiz, na kahit ang batas ay hindi makakapigil sa kanyang hukoman.
Nagkukumawala na ako kay tito ngunit mas lalo pa niyang idiniin ang pagkakahawak sa siko ko hanggang napapaaray na ako sa sakit.
"Bitiwan niyo nga ako." nagtapang-tapangang utos ko, instead na pakiusap ko sa kanya. "Hindi ako ipinanganak ng mommy ko para maltratuhin ninyo."
"Shut up!" mahina ngunit makapangyarihang sagot niya at nanlilisik na tiningnan ako.
Bahagyang napatameme naman ako. Ang masamang si Russel dela Fuente, na nagbabadyang sunggaban ako anumang oras, na katulad din ng CCEO na walang sinasanto.
Gusto ko na namang umiyak. Hindi lang si Arthur ang iniiyakan ko ngayon kundi ang kaligtasan din ng dinadala ko kaya napahawak na ako sa aking puson.
"Itigil mo na itong mga kalokohan mo Grecylle dahil sinasabi ko sa iyo. Masisira ang mga plano namin ni ama." nagbabagang sambit niya.
"Plano? Ang planong pati ba ako ay ipapaligpit din ninyo gaya ng walang kalaban-laban si Arthur?" kalmadong tanong ko kahit pa nga'y gusto kong manginig sa takot.
"Wala sa lugar iyang katapangan mo. Ang mabuti mong gawin ay umuwi ka na lang at hintayin ang mga susunod na mangyayari." natatawang mungkahe niya.
"Maghintay sa alin? Hindi ako titigil hangga't hindi nagkakaroon ng hustisya ang pagkamatay ni Arthur." madiing sagot ko.
"Hindi ko ma-imagine na nakakatagal din sa'yo si Arthur." iritang sabi niya at walang anu-ano'y binuksan niya ang isang room dito sa loob ng chapel saka sapilitang ipinasok ako sa loob.
Muntik naman akong mapasubsob sa walling ngunit napaatubili akong napahawak roon.
Napatingin na ako sa paligid.
Nakaagaw pansin ang mga naglalakihang monitor na nakasabit sa bawat sulok.
Bakit dito ako ipinasok ni Tito sa control room ng chapel? Ano naman ang gagawin ko dito? Nakakainis talaga ang lalaking iyon.
BINABASA MO ANG
Never AGAIN!
Literatura KobiecaBook6:Never Again (Completed) by NyllelaineNyeNight from old title: TO WIN HER BACK! The story of Grecylle and Arthur. Grecylle: He's my first in everything. My first love. My first kiss. The first. Pero ang akala kong perpektong relasyon ay mauu...