Chapter 19 - the Conversation

2.3K 88 17
                                    

"We don't SEE things as THEY ARE, we SEEN them as WE ARE."
-Anais Nin

Grecylle POV

"Hindi ko alam hon kung saan galing ang mga katagang sinasabi mo? Dahil ang alam ko sa puso ko na ikaw lang ang kaisa-isahang babaeng minahal ko." sabi ni dela Fuente habang nakatitig sa mga mata ko.

"Natatandaan mo ba noong araw na may nangyari sa atin?" mahina naring tanong ko at iniba ang tingin.

"Sino ba ang makakalimot noon, eh pareho nating first timer." nabubuhayang sagot niya saka inakbayan ako.

"Tumigil ka nga!" irita ko at sinikmuraan siya. "Iyon din ang araw na iniwan mo ako." naiinis na patuloy ko.

"Hindi ko alam hon." napahawak pa siya sa kanyang noo. "Maraming nangyayari ang buhay ko ang hindi ko alam kung panaginip ba o totoo."

"Totoo bang naaksidente ka?" nagdadalawang tanong ko.

"Ang sabi ni mommy halos isang taon akong walang malay. Pagkatapos ay nagiging makalimutin na ako." mahinang sagot niya. "Kaya nga halos napuno ang table ko ng larawan mo dahil natatakot akong pati ang mukha mo ay makalimutan ko."

Kunot-noong napatingin ako sa kanya. "Wala na naman akong nakitang picture doon kahapon ah!" angal ko.

Nakita kong may gumuhit na kirot sa kanyang mga mata.

"Diba itinapon mo na last two weeks. At hindi ko narin naman hon kailangan ang mga alaala dahil malaya na kitang nahahawakan at nahahalikan sa ngayon." ngiti pang sambit niya kahit nakikita kong may iniadya siyang sakit.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko.

Isang tango naman ang pinakawalan niya habang minamasahe ang noo.

Napatitig na ako sa kanya. "Ikukuha lang kita ng tubig." bilin ko at tinungo ko na ang kusina.

My goodness, kinilabutan ako! Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na takot.

Pagkarating ko roon ay mabilis na iniabot ko na ang baso sa tray at kumuha ng maligamgam na tubig sa dispenser.

Pagkabalik ko ng living area ay nakalapag na ang suit ni dela Fuente sa backrest ng sofa at nakahiga na siya roon.

Mariing napatingin ako sa mukha niya.

May mga ngiting nakaguhit doon. Maliban lang sa nangingitim niyang mga eyebags.

Hinaplos ko na ang pisngi niya.

Napamulat naman siya at mariing napatingin sa akin.

"Kamusta ang pakiramdam mo? May sakit ka ba?" may nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Napaupo naman siya, "Parang nahihilo lang ako pero mawawala din ito." sagot pa niya at kinuha narin ang tubig na iniabot ko sa kanya saka ininom iyon.

"Natutulog ka pa ba sa tamang oras? Napakaputla mo na dela Fuente, pwede ka na ngang pang-halloween. Para ka ng si Dracula na hindi naaarawan." may pag-alalang sabi ko.

Nakangiti namang napatingin siya sa akin.

Gusto ko 'atang batukan ang sarili ko. Bakit kasi bigla akong nakaramdam ng pag-alala sa kanya.

"Hon, paano kung isang araw ay tuluyang mawala na ako?" seryosong tanong niya.

Kinabahan ako ng husto sa mga narinig. Gusto kong umiyak nang umiyak.

"Huwag ka ngang magbiro ng ganyan Arthuro!" naluluhang sambit ko. "Kapag ginawa mo iyan ay ipapahukay kita at dudurugin ng pinung-pino."

"Hindi pa nga tayo nagkakaayos, mawawala na iyang mga sinasabi mo. Upakan kita diyan eh!" naiinis na patuloy ko at niyakap na siya.

Saka tuluyan ko ng pinakawalan ang mga luha. "Ghad, huwag muna!" nasasaktang bulalas ko.

Kahit isa mang biro ay hindi kayang i-absorb ng puso ko na mawawala na naman siya.

Ghad, Never Again!

---------------------------------------------------

-NyllelaineNyeNight

Never AGAIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon