Chapter 36 - unLocking his wealth

2.5K 68 6
                                    

"Never TEST the DEPTH of the RIVER with BOTH the FEET."
-Warren Buffer

.

Arthur POV

Napamulat akong masakit na masakit ang aking ulo. Papungas-pungas pa ako saka tangka akong bumangon ngunit natigilan ako ng nakita kong nakaposas ang kamay ko sa railings ng kama.

My goodness, ano'ng ibig sabihin nito? Sino'ng gumawa nito?

Napatingin na ako sa paligid, nasa isa akong katamtamang puting silid, ni wala akong nakitang bintana at tanging steel door lamang ang nakikita kong nasa isang sulok.

May dalawang stool at nakapatong sa ibabaw ng mesa ang lampshade na tanging nagbibigay ng liwanag.

Nasaan ako?

Nasapol ko ang aking ulo.

Nagtangka pala akong tumakas, pero sa kasamaang palad ay hinuli ako ng hindi ko nakikilalang tatlong kalalakihan sa basement ng hospital at sapilitang isinakay ako sa isang sasakyan.

Wala akong naging kalaban-laban sa kanila at nagawa pang tinakpan ng isa sa mga lalaki ang aking ilong ng panyo, na sa tantiya ko ay naglalaman ng pampapatulog kaya nawala ako ng malay.

Kaya heto, nandito ako ngayon sa hindi nakikilalang silid.

Sino'ng may pakana nito? Bigla akong kinilabutan?

Kailangan kong tumakas at makalayo dito sa anumang paraan.

Nagkukumawala na ako at halos masira na ang kinakabitan ng posas ngunit hindi parin iyon matanggal-tanggal.

Nang may narinig akong ingay na nanggagaling sa labas ng pintuan.

Muli akong nahiga at napapikit.

Pinakiramdaman ko na lamang ang nasa paligid.

Maya-maya'y bumukas narin ang pintuan at ini-on na ang ilaw.

"Pinaturukan ko ng pampapatulog ama at pagkatapos na ma-unlock ang mga yaman ni dela Fuente ay tuluyan  na nating patutulugin pa si Arthur." narinig kong sambit ng boses at hindi ako nagkakamaling galing iyon kay Tito Russel.

Kinilabutan ako sa mga narinig ngunit kailangan ko paring magtulug-tulugan habang patuloy parin akong nag-iisip.

"Maaasahan ka talaga! Good job!" sagot naman ng isang boses, na kilalang-kilala ko rin. Si lolo.

Maya-maya'y naramdaman kong may humawak na ng palad ko at isa-isang idiniin iyon sa isang malamig na apparatu.

Na ang bawat diin ng mga daliri ko ay may iba-ibang tunog ang nalilikha.

Ito na ba ang sinasabi ni Tito Russel na ang mga finger print ko ang magbubukas sa mga nakatagong yaman ni daddy.

At bakit wala man lang sinasabi si daddy at maging si mommy.

Wala ba'ng alam dito si mommy? Pero, impossibleng hindi alam ni mommy dahil halos biente kuwatro anyos silang nagsasama ni daddy.

Pero teka, ang maagang kamatayan ni daddy? May kinalaman din kaya si lolo?

Namatay si daddy sa isang car accident dahil nawalan ng preno ang minamaneho niyang sasakyan kaya nabundol niya ang mga concrete barriers na nasa EDSA.

Halos mayupi ang kalahati ng kanyang sasakyan at hindi na makilala pa si daddy.

Nakaramdam ako ng sakit.

May narinig na akong tawanan, na lalo pang nagpakirot sa puso ko.

Makukuha na nga nila ang lahat na mga yaman ni daddy.

At ako, heto...

Gusto kong maniwala sa sinabi ni tito pero hindi ko na alam...

Baka tuluyan na nga niya akong patutulugin kagaya ng ginawa rin nila kay daddy.

Malakas ang kutob ko na sila ang nagmanipula kaya naaksidente si daddy.

Gusto kong umiyak.
Hindi ko na pa makikita ang aking asawa.

Ngunit, hanggang pag-iyak lang ba ang gagawin ko? Kailangan kong lumaban at labanan sila.

------------------------------------------------

-NyllelaineNyeNight

Never AGAIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon