Chapter 29 - the Truth

2.3K 81 16
                                    

"LOVE has reasons which reason cannot UNDERSTAND."
- Blaise Pascal

.

Arthur POV

Parang gusto kong suntukin ang aking sarili. Natitigilan akong napatingin kay mommy.

Hanggang ngayon parin ba ay siya parin ang susundin ko? Mga katanungang nabubuo sa aking isip.

"Hindi siya ang nararapat sa'yo anak." narinig kong sambit pa ni mommy.

Kinuha ko naman ang palad niya na nakahawak sa aking siko. "Eh, sino ba ang nararapat para sa akin?"

Naiinis namang tiningnan ako ni mommy. "Ganito pa ang isusukli mo sa akin kapalit ng mga paghihirap ko sa'yo?"

"Hindi na ako bata mom. Kayo parin ang ina ko at walang sinuman ang makakapalit sa inyo. Pero asawa ko na si Grecylle at magkakaanak narin kaming dalawa." direktang sabi ko kay mommy.

Binuksan ko pa ang pintuan ng sasakyan at iginigiya ko na siya papasok roon.

"Umuwi na kayo mom, dito lang ako sa asawa ko. Paalam!" pangiti-ngiti pang ibinagsak ko na pasira ang pintuan ng sasakyan at patakbo na akong humakbang papasok ng bahay.

Naririnig ko pa ang tawag ni mommy ngunit hindi ko na siya nilingon pa.

.

.

Pagpasok ko ay wala na si Grecylle sa living area. Tanging cook naman ang nakita ko sa kusina.

"Hon," sunud-sunod na tawag ko ngunit wala namang sumasagot.

Tinungo ko na ang room.

Pagkarating ko roon ay marahan ko ng binuksan ang pintuan.

"Magkita na lang tayo Jim pagbalik ko ng Pi'nas." sambit pa ni Grecylle.

Natigilan naman ako sa mga narinig. Kausap na naman niya si Jimmy sa phone.

"Hindi ka aalis hon!" madiing sambit ko. Hindi ako seloso pero pagdating kay Jimmy ay hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko.

Ibinaba naman niya ang phone saka tiningnan ako. Isang malamig na titig ang ibinigay niya sa akin.

"Ano pa'ng ginagawa mo dito? Mas pinili mo ang mommy mo kaya malaya ka ng sumama sa kanya. Hindi kita pipigilan." madiing sambit pa niya saka napatayo na siya sa kama at tinalikuran na ako.

"...kaya mo ba tinatawagan si Jimmy?" hindi ko napigilang turan ng mga labi ko habang papalapit sa kanya.

Naiinis namang binalingan niya ako nang tingin. "Hindi ako desperada para makipagbalikan pa kay Jimmy."

Tinamaan ako sa mga sinabi niya. "At bakit mo siya kausap?" kunot-noong tanong ko.

"Walang patutunguhan itong pag-uusap natin." naiinis pang ibinagsak niya ang mga kanyang mga kamay at saka sunud-sunod na masasakit na mga kataga ang nagsipaglabasan sa kanya mga labi.

Naalarma na ako. Lumalabas na naman ang pagsusungit ng asawa ko pero ako din naman kasi ang may kasalanan.

Ghad, kailangan kong pakalmahin ang sitwasyon! Hindi puweding pareho kaming nasa boiling point, na lalo pang makasama sa mga pangyayari!

Ilang beses pa akong napabugtung-hininga at pinakawalan ang mga negatibong enerhiyang nasa katawan ko.

"Hon," malambing pang sambit ko at niyakap ko na siya buhat sa likuran.

"I'm sorry hon! Nababaliw lang ako. Bati na tayo..." mahinang patuloy ko at pinaharap ko na siya sa akin.

"Nakakainis ka! Buntis na nga ako, pag-iisipan mo pa akong makipaglandian sa iba. Sapatusin kita diyan eh!" sumbat niya at bahagyang sinuntok ang balikat ko.

Napatawa na ako saka niyakap narin siya. "I'm sorry hon! Paranoid lang siguro ako."

"Mukha nito!" inirapan na niya ako saka napamaywang. "Ano'ng ginagawa mo dito? Magtago ka na doon sa saya ng mommy mo! Kainis!" iritang patuloy pa niya at nagkukumawala na sa akin.

"Asawa kita hon kaya nararapat na ikaw ang piliin ko. Mahal na mahal kita!" mangislap-ngislap na sagot ko sa kanya at muling niyakap siya.

Gusto kong maramdaman niyang totoo ang mga sinasabi ko.

"Kung hindi lang din kita mahal Arthuro ay malilintikan ka talaga sa akin." parang batang sabi niya at tinugon narin ang mga yakap ko sa kanya.

Hindi matapos-tapos ang yakapan namin ni Grecylle.

Bahala na kung nasusunog man ang resthouse sa ngayon. Ang mahalaga ay kasama ko parin ang asawa ko kahit pa man nabibilang na ang mga araw ko dito sa mundong ibabaw.

God, sana ay humaba pa ang buhay ko! Isang pagkakataon parin po sana. Aayusin ko lang ang pamilya ko.

Kahit hindi ko na malaman ang puno't dulo ng hindi pagkakaunawaan nina mommy at Grecylle. Ang makita kong magkakaayos silang dalawa ay panatag na ang kalooban ko.

Ngunit hindi ko alam kung pakikinggan pa ba Niya ako?

"Hindi ko na alam kung magtatagal pa ba ang buhay ko hon." hindi sinasadyang nasabi ko sa pagitan ng mga yakapan namin.

My goodness, nasabi ko narin ngunit pareho naman kaming natigilan dahil sa sinabi ko.

Napalingi pa siya at hindi parin makapaniwala sa mga narinig.

"Sabihin mong hindi iyan totoo..." nanlulumong utos niya saka nagkukumawala na siya sa akin.

"Hindi magandang biro Arthuro!" nasasaktang patuloy niya kasabay nang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata.

"Bawiin mo ang mga sinabi mo!" tila nagmamakaawang utos pa niya sa akin.

Parang nadudurog naman ang puso ko sa sakit.

Paano ko babawiin kung ito ang mga katotohanan?

Kung puwede ko lang sabihin na hindi pero ito ang totoo at wala akong kapangyarihan para ibahin ang kapalarang naghihintay sa akin!

Napapagod narin ako sa sakit ko pero hindi ako susuko at patuloy parin akong lalaban para sa aking asawa.

Tuluyang pumatak narin ang mga luha sa aking mga mata.

Please God!
Sa iyong mga kamay iniaalay ko ang lahat ng sakit na dinadala ko.

-------------------------------------------


-NyllelaineNyeNight

Never AGAIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon