Chapter 12 - Chasing her

2.6K 86 2
                                    

"Don't find LOVE, let's love find YOU. That's why it's called FALLING IN LOVE because you don't FORCE yourself to fall, you just FALL."
-Pinterest

.

Arthur POV

Paglabas ko nang simbahan ay nakita kong sumakay na nga ng sasakyan si Grecylle kaya dali-dali kong pinuntahan si Mang Jack para sundan siya.

.

Pagpasok ko ng sasakyan ay naging alerto naman si Mang Jack.

.

Paulit-ulit paring naglalaro sa isipan ko ang mga katagang sinabi niya.

"Para dumating ang araw na iiwan mo rin ako."

Gusto kong umiyak. Parang tinutusuk-tusok ng punyal ang puso ko. Masakit.

"Itigil mo ang sasakyan Mang Jack." naluluhang sambit ko.

Ipinarada naman nito ang sasakyan sa bakanteng lugar.

"Sa tingin mo ba Mang Jack ay tama pa ba itong ginagawa ko? Gusto kong magkabalikan kami ni Grecylle pero alam nating dalawa na hindi na magtatagal ang buhay ko." nagdadalawang sambit ko, na parang pinipiga ang puso ko nang isiping iiwanan ko si Grecylle.

Gusto ko pang mabuhay.

"Huwag kayong mag-isip ng ganyan Boss, magiging matagumpay ang operasyon ninyo. Gagaling kayo!" nag-aalalang sagot niya.

Isinandal ko na ang likuran sa backrest ng sasakyan. Sana nga! Pero paano kung hindi?

Hindi ko na alam. Tama si Grecylle, iiwanan ko na naman siya. Hanggang sa tuluyan na ngang pumatak ang aking mga luha.

"Ano ba'ng kasalanan ko at bakit naging ganito kasakit ang ibinigay Niya sa akin?" nanghihinakit na tanong ko kahit alam kong wala man lang akong karapatang kuwestiyunin ang mga kagustuhan Niya.

Masakit. Bakit ako pa? Gusto kong isumbat sa Kanya ang lahat pero hindi...

"Manampalataya lang kayo Boss! Alam kong pakikinggan ka rin Niya." mahinang sabi ni Mang Jack, na alam kong gusto lang niyang palakasin ang loob ko.

.

.

Maya-maya'y nakarinig ako ng sunud-sunod na katok sa pintuan ng sasakyan.

Napamulat ako ng mga mata at iniangat ang aking ulo.

Nagulat ako ng makita si Grecylle. Hindi ko maipaliwanag ang kasayahang gumuhit sa puso ko.

"See, God's find a way Boss!" ngiting narinig ko mula kay Mang Jack.

Pinunasan ko pa ang luha ko saka ibinaba ko na ang window shield. Nagsalubong naman ang mga tingin namin.

"Nalowbat ang phone ko at nasi..." hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Pasok." mahinang sabi ko at binuksan ko na ang pintuan.

"Hihiramin ko lang si Mang Jack..." angal niya ngunit wala narin siyang nagawa ng umurong na ako at hindi na nagsalita pa.

Padabog pang pumasok siya. Napapangiti na lamang ako dahil hindi parin siya nagbabago. Para siyang batang hindi maibigay ang gusto.

"Look dela Fuente, kailangan ko lang ang tulong ni Mang Jack at hindi ang sa'yo." asik pa niya.

"Gaya ng sabi ko kanina ay iuuwi na kita. Pero dahil sa gusto akong kausapin ni daddy ay bukas na lang tayo uuwi." ngiting sambit ko at inakbayan pa siya.

"Keep off!" iritang sabi niya saka pinagsusuntok na ako sa dibdib.

Ikinulong ko naman ang dalawang palad niya saka kinuyom ang kanyang mga labi, "I miss you hon!" sambit ko pagkatapos ko siyang halikan.

Isang sampal naman ang dumapo sa pisngi ko pero isang ngiti lang ang itinugon ko sa kanya.

"Let's go Mang Jack!" baling ko pa kay Mang Jack.

Nagbabagang tinitigan ako ni Grecylle.

"Let's strike the iron while it's hot." ngiti pang sambit ko.

Pinaandar naman agad ni Mang Jack ang sasakyan.

"Bababa ako!" naiinis na asik niya saka sunud-sunod na mga bulyaw ang lumabas sa mga labi niya.

Napapangiti na lamang ako habang tinitingnan siya. Wala narin siyang magagawa kundi ang sumama sa akin.

"Ipapakulong kita for kidnapping." iritang sabi niya.

"You're not a kid anymore, pa'nong naging kidnapping and besides you're my wife." ngiting sagot ko.

"Bullsh*t!" inis na inis bulyaw na naman niya.

"Itigil mo ng iyang pagsasalita mo ng bad word." nagbabantang paalala ko.

"Pakialam mo!" asik parin niya at sunud-sunod na namang mura ang pinakawalan niya.

.

.

Grecylle POV

Kung hindi lang ako natatakot dito sa gitna nang kalye ay hindi na ako humingi ng tulong pa kay dela Fuente.

Pero isa namang maling desisyon ang paglapit sa kanya.

Kapag minamalas ka talaga! Nakakainis! Gustung-gusto ko talaga siyang tirisin.

Ilan na namang mga mura ang pinakawalan ko. Gusto ko talagang sagarin ang pagtitimpi niya.

Ngunit natigilan ako ng marahas na kinuyom niya ang mga labi ko.

Nagkukumawala ako ngunit mas lalo pa niyang idinidiin ang paghalik niya sa akin.

Tumagal din iyon ng ilang segundo.

Parang magkakasugat naman ang mga labi ko ng tigilan niya ako at bitiwan.

Gusto kong umiyak ngunit ayaw kong maging mahina sa harapan niya.

Kung nakakamatay lang ang mga tingin ay kanina pa sana siya naibaon sa lupa.

Nawawala na naman ang tapang ko sa harapan niya. Napaurong na ako papalayo sa kanya.

"Buong buhay kong pinagsisihan na ibinigay ko sa'yo ang sarili ko at ang buong pagkatao ko. Halos ilang taon din bago ako nakabangon. Tapos ngayong okay na ako saka ka naman babalik, na parang walang nangyari." sumbat ko sa kanya.

"Sana ay tuluyan ka ng nawala..." naiiyak pang patuloy ko. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha kong sunud-sunod na pumatak.

Napatakip na ako ng mukha. "Itigil na natin ito dela Fuente. Pakawalan mo na ako..."

Niyakap niya ako ngunit naiinis na kumawala ako sa kanya.

"Sana ay mapatawad mo ako." sambit pa niya pero napalingi na ako.

"I need space..." umiiyak paring sagot ko.

Nakita kong umiyak narin siya pero wala akong ibang gusto sa mga sandaling ito kundi ang makawala sa kanya.

------------------------------------------

-NyllelaineNyeNight

Never AGAIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon