"No amount of GUILT can change the PAST and no amount of WORRYING can change the FUTURE."
-Picturequote.com.
Grecylle POV
"Ipahinto mo ang sasakyan dela Fuente. Bababa ako!" nagtapang-tapangang sambit ko habang iniuurong ko ang sarili palayo kay Arthur.
Nakangisi namang tinitingnan niya ako, na tila pinag-aaralan ang naging reaksiyon ko.
Ghad, nakakaasiwa ang mga ngiti niya! Masarap upakan. Nakakainis!
Napalaki ang mga mata ko nang makita kong inilalapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha. "Ano'ng ginagawa mo?" iritang asik ko.
Itinaas ko pa ang mga kamay ko para magkaroon ng distansiya sa pagitan namin.
"Tumigil ka nga dela Fuente. Kung hindi ay makakatikim ka sa akin." may pagbabantang utos ko ngunit napapangiti parin siya kaya nadagdagan ang pagkairita ko sa kanya.
Napasimangot na ako at pinagsusuntok ko na siya sa dibdib ngunit mabilis niyang hinawakan ang mga kamay ko.
"Pangako ko sa'yo hon na magugustuhan mo ang mga gagawin ko." mangislap-ngislap pang sagot niya saka walang kahirap-hirap niya akong tuluyang dinaganan at ginagap niya ang mga labi ko.
Para akong sinisiraban kaya itinulak ko na siya ngunit hindi man lang siya natitinag.
May kung anong bultahe ang dumaloy sa katawan ko na tila ba binubuhay ang bawat himaymay ko.
"Stop!" naiinis na sigaw ko habang sinusubukan ko paring magkukumawala sa kanya.
Pinaulanan pa nga niya ako ng mga halik sa labi hanggang sa pababa sa aking leegan.
Naghuhuramentado ang isip ko pero para akong na-freeze ng ilang sandali, hindi ko naigalaw ang katawan ko at tila nalunok ko pa pati ang dila ko.
Gusto kong umiyak ngunit walang luhang pumatak sa mga mata ko.
Nagkukumawala parin ako ngunit mas lalong pa nga niyang idiniin ang kanyang pagkakahawak sa akin.
"Gusto kitang paligayahin hon kung pahihintulutan mo lang ako. Ghad, I really missed you. Sampung taon ang sinayang ko. Pero hindi na ngayon..." puno ng pangako ang mga nakaguhit sa buong mukha niya.
"...in your dreams dela Fuente!" iritang sabi ko.
"Hindi ko na hahayaan pa na magkaroon ka ng ugnayan sa ibang lalaki. Simula sa araw na ito ay akin ka lang. AKIN LANG!" makapangyarihang sambit niya habang hawak-hawak parin ang mga kamay ko at titig na titig sa akin.
"Akin ka lang, maliwanag?" seryosong patuloy pa niya.
Pinagpawisan naman ako nang malapot dahil sa mga narinig ngunit kailangan kong maging matatag.
Hindi ang isang Arthur dela Fuente ang lalaking gugustuhin kong makasama habambuhay.
Isang kahibangan...
"Kahit ano pang gawin mo ay hindi mo ako magiging pag-aari. Isang malaking pagkakamali ang ibinigay ko sa'yo ang sarili ko. Tanggapin mo na ang katotohanang wala kang mapapala sa akin..." pinatapang ko naman ang aura ko at nakipagtitigan narin sa kanya habang tinatangka ko paring bawiin ang mga kamay ko.
"Nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Whether you like it or not. Akin ka lang Grecylle Lopez-dela Fuente!" seryoso paring sambit niya at marahas na muling kinuyom ang mga labi ko.
BINABASA MO ANG
Never AGAIN!
Literatura FemininaBook6:Never Again (Completed) by NyllelaineNyeNight from old title: TO WIN HER BACK! The story of Grecylle and Arthur. Grecylle: He's my first in everything. My first love. My first kiss. The first. Pero ang akala kong perpektong relasyon ay mauu...