Chapter 3 - LoveHurt

4.2K 123 13
                                    

"I hate the fact that YOU IGNORE ME FOR SO LONG, then you start talking to me like NOTHING HAPPENED."
-HpLyrikz Tumblr

.

Grecylle POV

Dalawang araw na ang lumipas mula nang pumunta si Arthur sa bahay.

Wala akong sasayanging oras dahil gumaganda ngayon ang palitan sa stock market. Ayaw kong natutulog ang pera ko nang hindi man lang nagkaka-interest.

Kaya nandito na ako ngayon sa NEO, Las Vegas at kasalukuyang nakasakay ako sa executive elevator papuntang opisina ng CEO.

Halos labing limang oras din ang binyahe ko at kagagaling ko lang ngayon ng McCarran International Airport.

Hindi ko na inalintana ang pagod sa biyahe dahil kailangan ko na talagang harapin si Mr. dela Fuente.

At as soon as possible ay dapat na makahanap na ako ng panibagong kompanya.

Hindi narin naman ako makakapag-invest ulit ng IMG. Pagkatapos ko ba namang ipull-out doon ang lahat ng share. Ghad! Nakakainis, kapag minamalas nga naman!

Kinuha na nga ni kuya ang share niya at ngayon naman ay.. sh*t!

Hindi ko na maiwasang mapamura. May araw ka rin Arthur dela Fuente. Nakakainis ka talaga!

.

(Fast forward sa 6th Floor)

.

"Good morning ma'am!" magalang na bati sa akin ng secretary habang papalapit na ako sa kinaroroonan niya.

Napangiti narin ako at ngiti ring binati siya.

.

Nakakagaan ng loob ang pagiging nice and approachable ng mga empleyado ng NEO.

Mula sa front desk hanggang dito sa secretary ng CEO, na pawang mga Pilipino din.

Kaya nga hindi ako nagdalawang isip na mag-invest sana dito.

Kung hindi lang sana... nakakairita talaga! Sa dinami-dami ng magiging CEO ay siya pa.

Masarap talagang sabunutan ang sarili ko. Ba't ba hindi ko naisip na isang Ortiz ang mommy niya?

At hindi man lang ako sinabihan nina mommy at daddy na ang lolo pala ni Arthur ang nagmamay-ari ng NEO.

.

Itinuro pa ng secretary ang upuan, na nasa harap ng table niya. "Can you wait for a while ma'am may meeting pa po kasi si Sir? Patapos narin po iyon." ngiti pang sambit niya.

Napatango naman ako saka nagpasalamat at napaupo narin.

.

"Coffee or tea ma'am?" alok pa niya ngunit napalingi naman ako.

"No, thanks!" sagot ko dahil isa lang ang gusto ko sa mga oras na ito. Iyon ay ang makausap ko si Mr. dela Fuente.

"Ako po pala ma'am si Jessa. Jessa Santander." pakilala pa niya.

"Alam niyo po mas lalo po kayong gumanda ma'am!" patuloy pa niya.

Natigilan naman ako, "Kilala mo ba ako? Nagkita na ba tayo before?" takang tanong ko dahil balik-baliktarin ko man ang utak ko'y hindi ko siya matagpuan roon.

Napangiti pa siya. "Nakita ko po ang larawan ninyo ma'am sa table ng CEO."

Magsasalita pa sana ako nang bumukas na ang pintuan at iniluwa ang tatlong may kaedarang mga lalaki na pawang naka-business suit.

Never AGAIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon