Chapter 1 - the Return

7.4K 161 24
                                    


"If you admire the Rainbow after the Rain, then why not Love again after the Pain?"
- acinderellastory

.

Grecylle POV

"Hindi ako makapapayag kuya na magpalabas ng pera!" galit na galit na sumbat ko kay Kuya Mark. "...pareho lang kayo ni Jimmy na nagpapakabaliw sa magkapatid na Suarez."

Hindi ko parin lubos maisip na itatapon lang lahat ni Jimmy ang mga tulong na ibinigay ko sa kanya.

Ambisyoso ito pero mas pinili pa nitong manatili sa kapatid ng kinababaliwan ni kuya.

Limang araw narin ang lumipas pero inis na inis parin ako roon.

Abot hanggang tenga ang ngiti ni kuya kaya naging dobling sakit ang naramdaman ko.

"Mas nababaliw ka kay Jimmy. Itigil mo na nga iyang kahibangan mo, kasal na iyong tao." nasasalabi niya.

Parang may punyal na tumusok sa puso ko. "Napaka-insensitive mo kuya!" angal pa ko.

Napatawa pa siya. "Kasal na!" diin pa niya.

Tumaas ang presyon ko at pulang-pula na ang buong mukha ko ngunit hindi parin siya tumitigil sa panunukso sa akin.

"Tama ka naman kasing baliw na baliw ako kay Thesa! Saka hindi ko naman gagalawin ang pera mo... maging ang para sa pamilya ni Marco, ang share ko lang ang pakikialaman ko!" pangiti-ngiti paring niya at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Basta hindi ako papayag." giit ko saka nagdadabog pang binalingan si daddy, "Dad, hindi ako papayag!" sambit ko.

Napakibit-balikat lang si daddy maging si mommy ay hindi sumang-ayon sa akin. Napatawa pa nga ito.

"Wala ka ng kakampi." ngiting sambit ni kuya. "Investment nga ang tawag doon eh."

"Investment ka diyan? Eh, mambabayad ka ng utang..." pabarang na sagot ko. Nakakainis! Nagkakampihan talaga sila.

"Basta kukunin ko ang share ko. Wala ka ng pakialam kung saan ko man gagamitin. Mahal ko si Thesa at handa kong tulungan ang daddy niya. Ang daddy pala namin!" ngiti paring sagot niya.

Masakit sa tengang marinig ang pagmamahal na sinasabi niya. Hindi iyan totoo, walang pag-ibig! Kalokohan lang ang lahat.

Napatingin pasiya sa akin, "In case na si daddy ang nangangailangan, hindi mo ba siya tutulungan?"

Napalunok ako, "Baliw ka nga kuya." maangas na sumbat ko.

"Nagmamahal lang!" pagtatama niya. "Thanks mom! Thanks dad!" ngiting nasasalabi niya habang tinapunan ng tingin sina mommy at daddy.

"Don't worry Grecylle, ihahanap na lang kita ng bagong pag-ibig!" baling ulit ni kuya sa akin at kinindatan pa ako.

"Oh my, maalala ko si Arthur. Bakit ba kasi ayaw mong pakipagbalikan sa kanya?"

Nanggagalaiti ako sa galit at piningot siya sa tenga. "Bullsh*t kuya! Sa isang bakla pa..." sa dinami-dami ng pangalan ay iyon pa talaga ang bukambibig niya.

Tawa lang siya nang tawa. "...pero iyon ang first kiss mo? Na malamang ay first love mo rin." panunukso parin niya.

"Correction nga pala, bakit ka nga pala makikipagbalikan sa kanya kung hindi naman kayo nag-breakup. At ikaw lang naman ang nagsasabing bakla 'yong tao." napangiti pa siya habang inilalabas ang phone niya na nasa bulsa. "Matawagan ko nga at itanong ko sa kanya kung bakla ba talaga siya."

Never AGAIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon