Chapter 26 - the Secrets

2.3K 83 9
                                    

"You don't take a photograph, you make it!"
-Ansel Adams

.

Arthur POV

"Kanina ko pa napapansing an'lalim na naman ng iniisip mo." narinig kong sambit ni Grecylle.

Binitiwan ko naman ang hawak ko na stirer at ngiti pang napatingin ako sa kanya.

"Nagkakape ka na naman. Akala ko ba'y itinigil mo na." puna pa niya habang bahagyang umupo sa kandungan ko.

"Remember, hindi pa ako nakakapag-juice kaya dito muna ako sa kape." natatawang nasasalabi ko saka niyakap na siya.

"Magseryoso ka nga Arthuro!" angal niya at tangkang tumayo.

"Ipinagtimpla ko lang hon si mommy." ngiting sambit ko at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Nami-miss kita hon." bulong ko at hinalikan siya sa punuan ng kanyang tenga.

My goodness, wala na 'ata akong ibang maisip na gawin ngayon kundi ang makasiping buong araw ang asawa ko!

Pinaharap ko pa siya sa akin at may kapusukang ginagap ang mga labi niya.

Hindi ko mapigilan ang mga kasayahang bumubuhay sa mga kaugatan ko.

At mas lalo pang dumiin ang mga paghalik ko sa kanya.

Ngunit bago ko pa man siya mahubaran ay naramdaman kong bahagyang itinulak niya ako.

"Too close! My goodness..." ngiting sambit pa niya saka bahagyang hinampas ang balikat ko. "Tumigil ka nga Arthuro, makikita tayo ng mommy mo. Nakakahiya!"

Napapangiti naman ako dahil iisang lang din naman ang gusto naming mangyari sa mga sandaling ito.

.

"Grecylle anak!" narinig kong tawag na naman ni mommy.

"Puwede ba Arthuro, pauwiin mo na nga iyang mommy mo." nayayamot na sabi pa niya.

"Pauwiin natin para masolo na kita..." nakangisi pang sambit ko.

Gusto rin ng ideyang iyon dahil parang hindi na ako makakapaghihintay pa.

"Ghad, hindi! Ang kulit-kulit kasi! Bakit mo pa kasi sinabing buntis ako? Marami na tuloy ipapagawa sa akin." angal pa niya.

Naririnig ko na naman ang sunud-sunod na tawag ni mommy.

Naiinis na siyang napatayo. "My goodness, kasing kulit mo!" padabog na sambit niya saka iniwan na naman niya ako.

Napatawa na lamang ako habang sinusundan siya ng tingin. Sinasabi ko na nga bang magkakaayos din sila agad.

Makulit lang talaga si mommy, saan pa ba ako nagmana? Hahaha...

Napatayo naman ako saka inilagay ko na sa tray ang kape ni mommy saka kinuha ko narin ang orange juice and cakes sa fridge at dalawang baso sa tray.

.

Narinig kong may pumasok narin sa kusina kaya napatingin ako roon, nakita ko ang taga-luto at ngiting binati ako.

Isang tango naman ang ibinigay ko sa kanya.

"Magpapaluto ako ng lasagna, damihan mo ng cheese!" utos ko pa roon.

"Sir? Pero pinagbabawalan po kayong kumain ni ma'am ng cheese." kamut-noong sagot nito.

Napatango naman ako, "Para kay mommy. Dito siya maglunch." ngiting bilin ko pa sa kanya saka pinuntahan ko narin sina Grecylle at mommy sa living room.

.

Pagkarating ko roon ay inilapag ko na sa center table ang mga dala ko.

Ngunit bigla akong kinabahan nang napatingin sa akin si Grecylle.

Hindi mawaring mga titig ang ibinigay niya sa akin.

Napalaki ang mga mata ko. Sinabi na kaya sa kanya ni mommy ang kalagayan ko.

Parang gusto kong umiyak at yakapin siya.

Ang iisipin ko pa lang na mawawala na ako at iiwanan ko sila ng magiging anak namin ay nakakapagpapahina na ng loob ko.

Gusto ko pang mabuhay.

Masakit! Parang nadudurog ang puso ko sa sakit.

Nang biglang sumakit ang ulo ko.

Mas lalo pang sumasakit, na halos hindi ko na matagalan pa sa sakit.

Parang mabibiyak ang ulo ko.

Umiikot narin ang mga paningin ko.

Tangka na akong umalis ngunit naramdaman kong hinawakan ako ni Grecylle sa balikat.

Hanggang sa tuluyan ko ng naipikit ang mga mata ko kasabay patak ng mga luha sa aking mga mata.

God, ito na ba ang katapusan ko? Please huwag muna!

----------------------------------------------

-NyllelaineNyeNight

Never AGAIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon