Chapter 10 - Arthur's secrets

2.7K 80 11
                                    

"I just WANT you that's it. All your FLAWS, MISTAKES, SMILES, GIGGLES, JOKE, SARCASM. Everything I just want you."
-rebloggy.com

.

Arthur POV

Pagkatapos ng kasalan ay walang pasabing lumabas na ng Registrar's office si Grecylle.

Gusto ko siyang sundan pero umiikot na ang paningin ko.

Tila sasabog ang ulo ko, na parang binibiyak na hindi ko maintindihan kung saang parte ng ulo ko ang pinagmulan ng sakit.

Kaya bago pa mahalata nina mommy ay kailangan ko nang umalis at magpakalayu-layo.

Dali-dali naman akong hinawakan sa balikat ni Mang Jack at pasimpleng iginiya narin niya ako papalabas.

Narinig kong tinatawag ni mommy ang pangalan ko ngunit hindi ko na siya nilingon pa.

Mabilis ang bawat paghakbang namin, na tila hinahabol ang mga sandali.

.

.

Walang ibang nakakaalam ng kalagayan ko kundi si Mang Jack, na halos walong taon ko ng driver.

Mabilis na niya akong ipinasok sa loob ng sasakyan nang narating namin iyon ng parking area.

Napasandal na ako saka bahagyang minamasahe ang aking noo. Dalawang araw na naman akong hindi makakapasok nito dahil sa pananakit ng ulo ko.

Napalapit na ako sa dashboard at kinuha ko roon ang pain reliever. Nagiging drug dependent narin ako.

Hindi ko alam kung magiging successful ba ang operasyon ko next month.

Kung kaya ko lang sanang ibalik ang mga sandali sa piling ni Grecylle.

Kung kaya ko lang sanang baguhin ang kapalaran naming dalawa.

Kung hawak ko lang sana ang hinaharap.

Pero hindi ko na alam.
Hindi ko alam kung magtatagal pa ba ako?

Gusto ko pang mabuhay na kasama siya at sa bubuin naming pamilya.

Kung hawak ko lang sana ang buhay ko... pero hindi...

Gusto ko na lamang na umiyak.

"Boss, hindi niyo parin ba ipapaalam sa kanila?" nag-aalalang tanong pa niya sa akin pero napalingi na ako.

"Wala silang dapat malaman Mang Jack. Tama na ang sakit na naramdaman ni mommy nang namatay si daddy. Ayaw kong makidagdag sa alalahanin niya." mahinang sagot ko.

Tahimik ko ng ininom ang gamot ko at napasandal na ako ulit. Ilang minuto lang ay huhupa narin ang sakit.

"Hindi pa naman ako mamamatay Mang Jack. Malakas pa ako sa kalabaw." mapait na sambit ko saka napapikit narin ako.

Bakit ba ganito kahirap ang naging kalagayan ko? Every four hours ay umiinom na naman ako ng gamot.

Sana kung kunin Niyo po ako ay ngayon na.

Sobrang nahihirapan na ako.

Hanggang sa sunud-sunod naring pumatak ang mga luha sa aking mga mata.

.

"Boss, nandito na po tayo." narinig kong sambit ni Mang Jack kaya napamulat na ako ng mga mata.

Nandito na kami sa Resthouse. Magkukulong na naman ako dito ng dalawang araw habang minu-monitor ni Dr. Johnson ang kalagayan ko.

------------------------------------

-NyllelaineNyeNight

Never AGAIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon