"It is not in the STAR to hold our DESTINY but in OURSELVES."
-William Shakespeare.
Grecylle POV
"Hindi ka ba babalik sa NEO?" mahinang tanong ko kay dela Fuente habang nakaunan siya sa kandungan ko at minamasahe ko ang kanyang noo.
"Later na hon. Wala naman akong gagawin doon at saka ginawa mo na kahapon ang mga gagawin ko. An'galing mo nga eh!" ngiti namang sambit niya saka napamulat ng mga mata.
"Isang maliit na bagay! Nakakabagot kasi kahapon kaya pinakialaman ko na. Saan ka kasi pumupunta? Inuuna mo pa 'ata ang ibang mga bagay kaysa sa NEO." puna ko sa kanya ngunit isang ngiti lamang ang pinakawalan niya habang nakatingin sa akin.
Nakaka-conscious na naman ang mga titig niya. "Alam kong may gusto ka sa akin kaya hindi mo na kailangang magpa-cute!" namumulang komento ko at iniba ang atensiyon.
My goodness, parang nawawala na naman 'ata ako dahil sa mga kakaibang titig niya.
"I love you hon! Sana ganito tayo lagi." sambit pa niya.
"Napaka-corny mo Arthuro, tumayo ka na nga." namumula paring sabi ko ay bahagyang tinulungan na siyang bumangon.
Ghad, parang masarap batukan ang sarili ko! Ngayon pa ba ako mahihiya na ilang beses na ngang may nangyari sa aming dalawa? Ako na talaga!
Napaupo narin siya sa tabi ko.
"Alam mo ba'ng napaka-down to earth ang CEO ng IMG. Doon ko nga nakuha sa kanya na kailangang prayoridad ang mga investors." pang-iiba ko narin ng tapiko.
"Pero ng ibinigay na nina daddy at mommy ang share namin nina kuya ay napagkasunduan naming i-invest ang pera. Ayaw naman ni kuya sa IMG dahil pawang foreign investors ang nandoon. Ang galing raw kasi ng sa kompanya ninyo dahil kahit nandito sa Vegas ay pawang mga Pilipino parin ang nasa priority list. Napatunayan kong tama nga siya." patuloy ko ng may bigla akong naalala.
Ipinulupot ko na ang kamay ko sa leegan niya. "Ano'ng usapan ninyo ni kuya at ang NEO ang tinu-toss-up niya?" malakas na tanong ko, na para siyang isang kriminal at ini-interrogate.
Napangisi naman siya. "Matagal narin kaming nag-uusap ni Mark. Malaki ngang pasasalamat ko sa kanya dahil sa dinami-rami ng mga nangyari ay tayo parin sa huli."
"Kaya ba ayaw na ayaw niyang may nanliligaw sa akin?" kunot-noong paniniyak ko.
"Oo! Dahil ako lang ang nararapat sa'yo hon." direktang sambit niya.
"Kapal!" komento ko at sinikmuraan siya.
Napatawa naman siya saka inakbayan narin ako. "Kapal ko nga pero mahal mo!"
Napapangiti na lamang ako. Nakaramdam narin ako ng seguridad sa mga bisig niya.
Sana nga hanggang sa huli ay kami ni dela Fuente! Dahil hindi ko na alam kong kakayanin ko pa ba kung dumating ang araw iiwanan niya na naman ako...
Ghad, gusto kong umiyak sa isiping muli siyang mawawala sa akin!
Isinandal ko na ang ulo ko sa kanya. "Salamat!" mahinang nasasalabi ko.
.
"Hon sana'y lagi mong tandaan na mahal na mahal kita." mahinang sambit niya pagkalipas ng isang nakakabinging katahimikan.
Para naman akong kinilabutan sa mga narinig. "Nagpapaalam ka na ba Arthuro? Nakakainis! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan." iritang sambit ko.
"Hindi ako nagbibiro hon! Mahal na mahal kita." nagpapanik naring sabi niya at pinunasan ang mga luha ko.
My goodness, umiiyak na naman pala ako.
Pagkaraa'y ginagap na niya ang mga labi ko.
Wala naman akong pagtututol.
"Mahal na mahal din kita Arthuro! Huwag mo akong iiwanan dahil baka ikamatay ko na ang sakit!" naiiyak na sambit ko at buong-buo kong tinugon ang mga halik niya.
Ghad!
---------------------------------------------
-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
Never AGAIN!
ChickLitBook6:Never Again (Completed) by NyllelaineNyeNight from old title: TO WIN HER BACK! The story of Grecylle and Arthur. Grecylle: He's my first in everything. My first love. My first kiss. The first. Pero ang akala kong perpektong relasyon ay mauu...