Chapter 35 - Truth behind Lies

2.6K 92 5
                                    

"If we open a QUARREL between PAST and PRESENT, we shall find that we have lost the FUTURE."
-Winston Churchill
.

Arthur POV

Pagkamulat ng mga mata ko'y nasa loob na ako ng isang puting silid at naka-dextrose ang kanang kamay ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo hon?" narinig kong nag-aalalang tanong sa akin ni Grecylle habang hawak-hawak ang kaliwang palad ko.

Napalingi naman ako, "Gusto ko munang mapag-isa. Please leave." walang ekspresyong utos ko saka binawi ko na ang palad at tinalikuran ko na siya.

Hindi ko na alam kung ano ang nararapat kong gawin. Sa kalagayan ko ngayon ay mas nanaisin ko na lamang na mag-isa.

Nawawalan narin ako ng pag-asa.
Sa sakit ko.
Sa pagsasama namin ni Grecylle.

Pagkarinig kong bumukas ang pinto ay tuluyang pumatak narin ang mga luha ko.

Akala ko ay mabubuo ako na kasama siya pero hindi rin pala.

Hihintayin ko na lamang ang magiging katapusan ng buhay ko.

May dahilan pa ba akong mabuhay kong ang babaeng nagbibigay ng pag-asa sa akin ay nagawa lang akong lokohin?

Masakit.

.

.

.

"Kamusta na ang pakiramdam mo anak?" tanong naman ni mommy sa akin, na kakapasok lang ng room.

Isang tango naman ang itinugon ko kay mommy.

"Nasaan si Grecylle? Hinayaan ka lang niyang mag-isa dito. Sinasabi ko naman kasi sa'yo na..." sunud-sunod na sambit ni mommy ngunit hindi ko na siya pinatapos pa.

"Iwan mo na ako mom. I need peace!" mahinang utos ko sa kanya.

Napapagod na ang utak ko sa kakaisip. Sa ngayon ay maghihintay na lamang ako kung kailan kukunin ng Diyos ang buhay ko.

Hindi parin maalis sa isip ko ang mga katagang narinig ko kay lolo at Tito Russel.

Alam kong gusto akong pabagsakin ni tito kaya sinasabutahe niya ang mga investors ng kompanya pero ang usapan nila ni lolo na makuha ang mga nakatagong kayamanan ni daddy ay hindi ko lubos maisip.

Bumukas naman ang pintuan at iniluwa niyon ang tatlong mga kapatid ni mommy, na sina Tita Erine, Tita Ysabelle at Tita Ysmeralda.

Nag-aalalang napalapit sila sa akin.

"Mamamatay na ba ako? Nandito kayong lahat eh." patawang sabi ko kahit alam kong masakit.

Himala 'atang ang tatlong ito ay bumisita sa akin. Pero hindi pa pala kumpleto, isama pa si Tito Russel na alam kong ang kamatayan ko ang magpapasaya sa kanya.

Ang mga kapatid ni mommy na walang ibang gusto kundi ang mapasakanila ang NEO.

Pumasok narin si lolo. At ang ibang mga pinsan ko.

Gusto ko namang umiyak. Hindi ko na alam kung sino ba ang tunay sa kanilang lahat dahil pawang lahat sila ay walang hinihiling kundi ang mapasakanila ang NEO.

"I'm dying!" seryosong sambit ko at isa-isa silang tiningnan.

"Huwag kang magsalita ng ganyan anak!" saway pa sa akin ni mommy.

"Nagsasabi lang ako ng totoo mom. Hindi ko na alam kung magtatagal pa ba ang buhay ko... tinatanggap ko narin naman ang kapalaran ko." kalmadong sabi ko kay mommy at binalingan na ng tingin si lolo.

Never AGAIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon