"Nobody can hurt me without my permission."
- Mahatma Gandhi.
Grecylle POV
Hindi na ako umimik pa habang kumakain kahit na alam kong nasa akin ang mga titig ni Arthur.
Masarap tusukin ang mga mata niya!
Panay parin ang panunukso sa amin ni kuya, na para pang kinikilig!
Ghad, kalalaking tao...
Masarap talagang suntukin.Super papansin, tsk!
Kung aaminin ko siguro kay kuya na may nangyari sa amin ni Arthur ten years ago, magiging ganito pa ba siya?
Malamang ay babalatan niya iyon ng buhay.Kasumpa-sumpa!
.
.
Pagkatapos naming kumain ay niyaya na ako ni daddy sa library, kasama si Arthur.
Buti naman at hindi kasama si kuya, magkakaroon ako ng katahimikan.
.
.
"Bakit naman ako magpapakasal sa'yo? Hindi iyan mangyayari." nanggagalaiti sa galit na sumbat ko kay Arthur.
Napangiti naman siya sa akin. Ngiting nakakapagpapabuhay sa buong sistema ngunit iba na ngayon. Hindi na ako madadala sa mga pangiti-ngiti niya. Baka kung makuha na naman niya ang gusto niya'y iiwan na naman ako at magtatago na naman siya sa SAYA NG MOMMY niya.
Nakakainis talaga kung bakit isinuko ko ang v-card ko sa kanya? Isang malaking pagkakamali ang lahat na nangyari! At buong buhay kong pinagsisihan.
Ayaw ko nang balikan pa ang nakaraan namin at baka hindi na makakalabas ng buhay ang lalaking ito sa pamamahay ni kuya.
Mariing napatingin na ako sa kanya. Hindi-hindi kita bibigyan ng pagkakataong pumasok ulit sa buhay ko!
Tama na ang minsan. Minsang nagpakatanga ako at naniwala sa mga kasinungalingan mo.
"I heard na gusto mong mag-invest sa NEO. Since ako na ang bagong CEO..." ngiti pang sabi niya.
"Ganoon ba? Congratulation!" saka sinamahan ko pa ng nakakalokang palakpak.
"...maraming mga bagong policies and guidelines akong pinalabas at aprobado narin ng BOD." patuloy pa niya.
Natigilan ako sa mga narinig, "Ano'ng policies and guidelines? Nakapagsumiti na kami ng intent last month pa. Kung hindi lang nagpakabaliw si kuya ay nakapagdownload na kami ng pera." angal ko.
"Are you sure na aprobado ng board ang isinumiti mo? Baka na-i-receive pa lang sa admin." ngiti paring tanong niya.
Napalaki naman ang mga mata ko, "Bakit may admin pa at hindi ba sila puweding board na lang? Magpasalamat ka ngang ang NEO ang napili ko!"
"Salamat sa pagpili ngunit sabi ko nga may mga bagong policies and guidelines na dapat sundin." kalmado paring sabi niya.
"Tapatin mo na ako, ang dami po pang pasakalye diyan." naiinip na sagot ko.
"Upon reviewing your intent, nasa 14% lang ang binili mong share base sa bid cost ng stockmarket up to date, which is hindi na ina-allow ng NEO ang mga mababa sa 20% except lang kapag employed sila sa kompanya."
Dumilim ang mukha ko sa mga narinig. "Mataas pa naman ngayon ang account value. Pa'nong? Pinagloloko mo lang ako... at pa'nong naging ikaw ang CEO ng NEO dahil ang pagmamay-ari noon ay si CEO Nestor Enrique Ortiz?" angal ko.
"Nakalimutan mo na ba si mommy? Ericah dela Fuente y Ortiz. At dahil ako ang first born grandson, sa akin ibinigay ni lolo ang authority para pamunuan ang kompanya niya." kampante parin sabi niya.
"Imposibli! Kasinungalingan..." napatayo na ako saka tangkang lumabas ng library ni daddy.
"Unless na pumayag kang pag-isahin natin ang mga properties. Pera mo at pera ko sa isang stakeholder." suhesiyon pa niya kaya matalim na binalingan ko siya ng tingin.
"Nababaliw ka na Mr. dela Fuente. Spare me!" asik ko ngunit napangiti lang siya.
"Itigil mo nga iyang kakangiti mo, naaasiwa ako!" naiinis na sabi ko saka inirapan siya. "Humanap ka ng ka-uri mo at huwag ako!"
"Calm down hija." naguguluhang sambit ni daddy. "Ano'ng nangyayari? Halos isang dekada kayong hindi nagkita tapos ganito ang salubong ninyo sa isa't isa? Parang hindi nga kayo mapaghihiwalay noon." nagpalipat-lipat pa ito ng tingin sa amin ni Arthur at naghahanap ng kasagutan.
"Maraming nangyari dad na hindi mo na dapat na malaman pa." kalmado naring sabi ko kay daddy at tinitigan ko siya sa mga mata.
"Gusto kong itama ang mga kasalanan ko kay Grecylle tito kaya gusto ko siyang pakasalan. Gusto kong hingin ang kamay niya." baling narin ni Arthur kay daddy.
"NEVER! Hindi ako makapapayag. Pakasalan mo ang SARILI MO!" angal ko.
"Hindi na ako interesado sa NEO. Marami pa diyang mas higit na competitive kaysa sa kompanya mo." naiinis na sabi ko saka patakbo na akong lumabas.
Sunud-sunod namang pumatak ang mga luha sa aking mga mata.
Kung kailan ay nakapag-move-on na ako saka naman...
Ghad, saklap!
--------------------------------------------------
-NyllelaineNyeNight
BINABASA MO ANG
Never AGAIN!
ChickLitBook6:Never Again (Completed) by NyllelaineNyeNight from old title: TO WIN HER BACK! The story of Grecylle and Arthur. Grecylle: He's my first in everything. My first love. My first kiss. The first. Pero ang akala kong perpektong relasyon ay mauu...