Ch17: An awkward experience

36.7K 1K 168
                                    

“Mahal kita!”

Natulala ako sa sinabi niya. Titig na titig ako sa kanya na feeling ko wala nang ibang tao sa paligid namin although wala naman na talagang tao sa paligid. Tahimik kaming dalawa, nakatitig sa mata ng isa't isa. Wala akong ibang naririnig kundi ang lakas ng kabog ng puso ko pati na rin ang pangilan-ngilang kotse na nagmamadali.

 Walang nakakapagsalita at halos ilang segundo kaming tahimik sa lakas ng buhos ng ulan—ang awkward.

Did he just… confess?

OMAYGAD KINIKILIG AKO—pero bakit, biglaan?

“A—Ano?” Hindi ko rin alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob para magtanong, as in nabingi ako pero rinig na rinig ko 'yung malasigaw niyang sinabi.

Napatitig siya sa akin at nanlaki ang mga mata na parang ngayon lang niya narealize ang nasigaw niya kanina. Napansin ko rin na parang nahiya siya, hala ang cute!

“Ay—ano! Ano kasi…” Okay Zelle, kalma! Kunwari hindi ka kinikilig kahit ang totoo eh sasabog ka na any moment. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko, nakakabingi.

“Sa—sa ano, mahal kita” Nanlaki lang ang mata ko at feeling ko mababaliw na ako sa sobrang kaba ko.

Ano ba John, hindi ako makareact!

“Ay ano ba! Sa ano, mahal kita inn! Mag stay tayo sa mahal kita inn!” Napatigil ang paghinga ko sa narinig ko. Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at iniharap sa likod ko na may tumambad sa akin na napaka laki na parang sinisigaw ng sign ang nakasulat.

       MAHAL        KITA
DRIVE-INN & RESTAURANT
      --->       --->       --->

Natulala ako sa nakita ko, napatitig ako sa sign na nasa harap ko. Para akong nilulunod sa tubig ng mga 37.45 seconds at parang unti unting gumuho ang mundo ko.

ARAY. OUCH. ANG SAKIT, UMASA AKO! PINAASA AKO NI JOHN!


AKALA KO YUN NA, AKALA KO PWEDE NA! HINDI PALA!! *insert sadness here*

Out of nowhere, tumawa si John sa may likod ko kaya napalingon ako sa kanya at tumingin sa kanya ng medyo masama. Medyo masama lang kasi… pinaasa niya ako eh!

“Hahahaha, ang awkward nun” Medyo tinakpan niya ng kaunti 'yung bibig niya habang nakatingin sa parang lapag habang tumatawa ng kaunti. “Parang nagconfess ako sa'yo. Hahahaha, sorry”

“Hahahaha” I faked a laugh. FAKE. “Oo nga, awkward. Buti na lang hindi ako naniwala, kundi paninindigan mo ang anak ko” Natatawa kong sabi pero ang totoo n'yan eh konti na lang magkocollapse na ako.

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon