"Alam mo na ba?"
"Ang alin?"
"Na kapag ginawa mo daw wallpaper 'yung picture ng taong mahal mo sa cellphone mo tapos walang nakakita nito within 15 days, magiging kayo."
"Totoo ba 'yun?"
"Ewan ko, kasi sa akin...nagkatotoo"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH. QWERTYUIOP AAAAHHHH ASDFGHJKL AAAHHHH ZXCVBNM. KINIKILIG AKO KINIKILIG AKO OMG KINIKILIG AKO!!!!!!!!! KINIKILIG AKO!!!
Pinaghahampas hampas ko ang kamay ko sa table at kilig na kilig ako na parang kiti-kiti. Hindi ako mapakali sa isang pwesto sa sobrang kilig ko.
“ENZO NAKAKAKILIG NAMAN TO! NAKAKAKILIG!” Pinaghahampas hampas ko pa siya habang hawak hawak ko ang cellphone niya. Natatawa naman siya sa reaksyon ko, if I know kinikilig din 'tong lalaking 'to. “Nakakainis nakakakilig talaga!”
Tawa ako nang tawa dahil hindi ko na talaga alam kung ano ang irereact ko. Nag uumapaw pa rin ako sa kilig, SOBRA SOBRA NA KAKILIGAN JUSKO!
“Hoy maghunos dili ka nga, 'yung cellphone ko baka mahagis mo!” Tawa pa rin ako nang tawa, pati siya natatawa rin pero pinipigilan. Napansin ko na lang na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao sa cafeteria.
“Malakas ba boses ko?” Pabulong kong tanong kay Enzo.
Lumapit naman siya sa tenga ko sabay sigaw ng “OO!”
“Ouch!” Napalayo ako sa kanya at napatakip ng tenga sa sobrang lakas ng sigaw niya. Binatukan ko naman siya ng malakas para maalog utak niya. Nag ouch din siya, buti nga sa kanya.
“Panira ka talaga ng moment eh” Inirapan ko siya, inirapan din ako?! BAKLA TALAGA.
Actually, kaya ako kinikilig ay dahil sa pinabasa sa akin ni Enzo ang isang wattpad story daw. For some odd reason, may app siya ng tinatawag nilang ‘wattpad’ na parang may mga stories doon. Ewan, ang gay di ba? Pero ayun nga, kinikilig ako kasi may isang story doon na one shot daw tawag na may title na: FIFTEEN DAYS.
Nung una medyo nabobored ako kasi ang daming words. Hindi kasi talaga ako reader pero nagbabasa naman ako, hindi ko lang hilig magbasa pero ayun, nagpatuloy ako sa pagbabasa dahil nakakatawa yung pagkakakwento nung babae.
Nakakakilig siya kasi ang highschool lang ng datingan tapos hindi ko ineexpect 'yung ending. As in yeah, sure alam kong pwedeng magkatuluyan 'yung dalawang bida pero hindi ko ineexpect na ganun ang way ng ending—plus hindi sila nagkatuluyan talaga—BITIN.
Pero 'yung bitin ng story, in a good way kasi naiwan 'yung kilig factor.
AT NAKAKILIG TALAGA!
“Teka, may short film din 'yan eh” Kinuha agad ni Enzo 'yung phone niya sa kamay ko at may kung anu anong pinagpipindot tapos pinakita niya sa akin 'yung screen ng phone niya.
BINABASA MO ANG
Just One Answer
Teen Fiction"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"