"Love is an untamed force. When we try to control it, it destroys us. When we try to imprison it, it enslaves us. When we try to understand it, it leaves us feeling lost and confused."
— Paulo Coelho~ ~ ~
Tingin sa kanan:
“Ma-hal-ki-ta, that’s the tagalog of I love you.” Pagpapaliwanag nung lalaki sa kasama niyang babae na mukhang Korean.
“Maharl keeta?” Napansin ko namang napangiti 'yung lalaki at ginulo ang buhok nung babae.
“Close enough.”
Tingin sa kaliwa:
“Makinig ka na kasi ng LOVE radio!” Pansin kong kilig na kilig na sabi ng isa kong kaklase.
“Yung kay papa Jack ba 'yun? Yung nag aadvice?” Nasasabik na reply nung isa pa.
“Oo, dali na mamayang gabi!”
Tingin sa baba:
♪ ♫ Mahal kita
Bagay tayong dalawa
Papicture nga
Para mapadevelop kitaBakit kailangan ganyan ang soundtrip ng mga tao? Kitang natutulog ako pero ganyan soundtrip sa classroom?! Anong kalokohan 'yan?!
Tingin sa taas:
“I LOVE YOU RAYNE – Daniel” pansin na pansin na sobrang kinikilig 'yung mga tao dahil sa tarpaulin na nakadisplay sa may gym at 'yung nagkaaminan nung foundation week sa dedication booth ay nandun din. Nag iingay 'yung mga kabarkada tapos may dala dala pang bulaklak.
Lagi silang umeeksena ng ganyan. Hindi ba sila nagsasawa?!
Napapakunot ang noo ko. Mula pagpasok ko sa school, halos 'yan na ang naririnig ko… 'yang love na 'yan, 'yang mahal na 'yan. Nakakainis kasi kinakabahan ako sa tuwing may naririnig akong salitang love! Pero bakit ba ako ganito? Hay nako Zelle, umayos ayos ka ah? Umayos ka talaga!
Naglalakad na ako sa hallway dahil pauwi na ako. Mag isa lang ako dahil una, nahihiya ako kay Enzo at pangalawa, nahihiya ako kay John.
Ito masakit eh, 'yung dalawa mong kaibigan na lagi mong kasama , hindi mo na madalas makasama dahil sa mga nangyayari… pero si John, wala lang, hindi naman niya alam eh… ako lang 'tong nahihiya.
Binagalan ko paglalakad ko nang mapansin ko ang isang pamilyar na lalaki na makakasalubong ko na may kasamang babae, pagtingin ko ng mabuti, si John—eto na naman, kinakabahan na naman ako! Pagtingin ko naman sa mukha nung babae, si Elle, at parang may pinag uusapan sila tungkol sa isang bagay na tinuturo ni Elle sa notebook na dala niya.
BINABASA MO ANG
Just One Answer
Teen Fiction"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"