Baliw? Assumera? Abnormal?
Oo, siguro baliw na nga ako. Assume na nga ako nang assume at abnormal na nga sigurong maituturing dahil sa parang adik na ako kay John. Hindi naman ako adik talaga eh, parang lagi ko lang siyang hinahanap hanap.
Ganun lang, nothing more.
Hindi ko naman masyadong hinihiling na makausap ko siya o maging kaclose dahil may huge possibility na kapag naging close kami or nagkausap, dalawa lang 'yan:
Aayawan ko siya.
Lalo ko siyang magugustuhan.
Okay na ako sa ganitong set up siguro. Yung abot ko siya pero hindi ko mahahawakan. Yung nakikita ko siya pero hindi ko pwede makausap. Yung pwede ko siya makausap pero hindi.
Basta, yung saktong kilig.
Yung pwede ko siya maging daily dose of kilig.
Pero masama na ba talaga ngayon kung hihiling ako ng isang sign ngayong araw na last day of the term na? Next week enrollment na namin at hindi ko na alam kung ano mangyayari sa susunod. Meron kasi ng kumakalabit sa utak ko na gusto ako makausap ni John.
Lalo na nung last incident sa cafeteria, ang epal lang talaga ni Enzo.
*insert buntong hininga here*
"We need to finish all of it, okay?" Sigaw ng isa naming kaklase.
Actually, buong school body ang busy ngayong week lalo na ngayong araw dahil last day na nga ng term, may mga lilipat sa school namin kaya kailangan namin linisin ang buong school at design-an. At dahil mag hahalloween na, horror school ang BAUL Ac for the next term.
Umupo muna ako sa isang tabi at taimtim na nakipag usap kay God with matching pagpikit pa ng aking beautiful eyes.
Dear Lord God,
I know ang weird dahil ang taas ng sikat ng araw at sobrang init pero heto ako ngayon at kinakausap po Kayo. Gusto ko lang po magpasalamat sa buhay na binigay Niyo po sa akin. Humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko po atsanapo ay huwag Niyo po ako papabayaan. Actually, huwag Niyo po kaming lahat papabayaan, kaming mga anak Niyo po.
PS: Lord God, hihingi lang po ako ng sign. If ever soulmate ko po si John, gusto ko po sana makakita ng itim na uwak bago matapos ang araw na ito.
Thanks po.
Ang pinaka maganda Niyo pong anak,
Zelle.Dumilat na ako mula sa mataimtim na panalangin ko nang...
"AYSOULMATEKAMINGCRUSHKOPAGNAKAKITAAKONGITIMNAUWAK!" Napasigaw ako dahil nagulat ako sa sobrang lapit sa akin ni Enzo na nakatingin with his nagtatakang mukha. "Pusang gala ka naman, bakit ka nasa harap ko!?"
BINABASA MO ANG
Just One Answer
Teen Fiction"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"