Ch34: Five questions

29.8K 844 104
                                    

Nagkasalubong kaming dalawa sa cafeteria pero wala ni isa ang tumingin, ngumiti o bumati sa amin. Kahapon lang nangyari 'yun at ramdam na ramdam ko na 'yung damage na nangyari sa pagkakaibigan namin.

Dumiretso ako sa library para magpalamig, ewan ko kung nasaan siya at hindi ko maiwasang hindi mainis sa tuwing naaalala ko siya. Bakit? Well, sino bang hindi maiinis sa lalaking pinipilit niya ang sarili niya sa'yo? Sino bang hindi maiinis sa lalaking panay na lang ang sabi ng ‘manhid’ sa'yo at sino ba namang hindi maiinis sa lalaking iniwan ka sa mall ng mag isa?

Hindi ako manhid, okay? Ang sa akin lang… gusto ko kasi, magkaibigan lang kami. No more, no less.

Nakakainis!

“Gusto mo maglaro?” Kinabahan ako panandalian pagkarinig ko ng boses ni John. Napalingon ako at tumabi siya sa akin ng nakangiti.

“Ano namang laro?” Pinipilit kong maging jolly kahit na feeling ko pansin niyang wala ako sa mood at problemado.

“5 questions”

 

“5 questions? Laro ba 'yun?” Pagtataka ko.

“Depende, pero may twist kasi 'to. Magtatanungan tayo ng 5 questions, salitan pero hindi na pwede maulit 'yung tanong” Napa ‘ow’ na lang ako sabay ngumiti at sumang ayon.

“Sinong mauuna?” Tanong niya, tinuro ko naman siya at wala na siyang magawa kundi sumunod sa gusto ko. “Sige, bakit malungkot ka?”

Ngumiti siya sa akin na para bang sinasabi niyang huli na niya ako at huwag na akong magtago na masaya ako. Bakit nga ba ako malungkot? Hindi, hindi ako malungkot! Actually, naiinis ako at kaya ako nalulungkot kasi naiinis ako. Teka, tama ba 'tong pinagsasasabi ko?

Pero, anong sasabihin kong dahilan?

“Oo nga pala, bawal ang secrets dito” Nakangiti lang ulit siya at naglabas ng parang libro at nagbuklat buklat na akala mo nagbabasa. Napakunot lang ang noo ko, ano bang gusto mangyari nitong si John? Haist.

Sasabihin ko ba na si Enzo ang dahilan? Sasabihin ko ba na may nangyaring ganun between sa amin ni Enzo? Buntong hininga.

“Dahil sa isang tao…” Pagtingin ko sa reaksyon niya, hindi naman siya mukhang nagulat pero parang napangiti siya lalo na parang sinasabi siguro niyang ‘interesting’. Ang weird din minsan nitong si John eh. “Ikaw, bakit ka nandito?”

“Wala, mukha kasing kailangan mo ng kausap” Napataas lang ang kilay ko sa kanya at naglipat lipat lang siya ng page sa sa libro niya na binabasa niya kuno. “Pwede ba ako magtanong ng kahit ano?”

Sa tanong niyang 'yun, parang kinakabahan ako. Konti lang 'yung kaba pero may something pa rin dito sa may puso ko na hindi ko malaman. “Ako rin ba?”

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon