Ch33: Alamat ni Manhid at Sensitive

33.3K 903 149
                                    

“Uy Elle, thank you talaga ah!”

Ngumiti lang siya sa akin at buti na lang hindi pa rin siya naaasar kahit na nakailang thank you na ako sa kanya. Pinahiram kasi niya ako ng damit niya matapos ng sukahan incident last time namin ni Enzo.

“Okay lang talaga Zelle, promise”

Napapangiti na lang talaga ako sa kabaitan niya kahit hindi ko pa rin makalimutan na siya pala talaga ang dapat na ikasal kay John nung foundation week. Hay, bakit kasi halos parehas 'yung pangalan namin? Kainis.

“Si Enzo nga pala, kamusta na?” Alam din pala niya ang nangyari kay Enzo at siya ang gumawa ng paraan para hindi masuspended 'yung mokong na 'yun. Hindi ko alam kung anong klaseng pagpapacharm ang ginawa ni Elle para hindi maituloy ang suspension ni Enzo.

“Uhm, nagpapagaling pa rin sa ospital…” Tumango tango lang siya habang ako medyo nahihiya pa dahil hindi naman talaga kami nag uusap ni Elle. Masyado akong naaamaze sa kagandahan niya, nahihiya ang ganda ko, natatalbugan siya!

Joke!

“Oo nga pala Zelle, gusto mo sumali sa Cotillion sa prom?” Nanlaki ang mga mata ko. Inaaya ba talaga ako ni Elle na mag Cotillion?!

“Hala! Hindi ako marunong sumayaw tska pang mga magaganda lang 'yun!” Hindi ko naman sinasabi na hindi ako maganda pero you know, kailangan kong magkunwaring hindi ko alam ang ganda ko!

“Ano ka ba Zelle! Sumali ka na dali!” Ngumiti lang ako at umayaw ako nang umayaw. Ang kulit naman nitong babaeng 'to! Nakakatamad kayang mag Cotillion, balita ko kasi laging may practice 'yun tapos inaabot ng gabi. Katamad! “Ikaw John, sali ka?”

Napalingon naman ako sa likod at nakita ko si John na kakalabas lang ng classroom. Nasa hallway lang kami dahil wala ng teachers. “Sali saan?”

“Cotillion sa prom” Ngumiti lang si John na hindi ko malaman kung bakit pero ayaw kong ngumingiti siya ng ganyan ng hindi para sa akin.

“Ah, ayoko, nakareserve first dance ko eh…” Pagkasabi niya nun, tumingin siya sa akin at ngumiti. Napangiti lang rin ako kahit feeling ko sasabog na naman ang puso ko dahil sa pagwawala nito.

“Sige na nga! Maghahanap na lang ako ng iba, see you guys! Maghanda na kayo sa prom ah!” Nagpaalam na sa amin si Elle at natira na lang kaming dalawa ni John sa labas ng classroom. Walang nagsasalita sa aming dalawa at parehas kaming nakasandal sa pader.

“Sinong gagawin mong first dance?”

Nanlaki panandalian ang mata ko at nagulat ako sa bigla kong pagtanong! HALA ZELLE, BAKIT MO TINANONG ANG ADIK MO TALAGA OMAYGAHD!

“Sik-re-to” Napaatras ako ng kaunti nang bigla niyang pindutin ang ilong ko sabay ngiti sa akin at naglakad na palayo, ngayon ko lang rin napansin na dala dala na niya 'yung gamit niya.

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon