Gwapo talaga si Enzo para sa akin—dati.
Dati nung una, nung hindi pa niya ako kinausap. Siya agad napansin ko sa klase namin kasi matangkad at obviously, angat 'yung itsura niya. Matalino naman at matino. Sabi ko nga sa sarili ko baka maging crush ko siya eh.
Pero hindi.
Nawala kasi ang interest ko sa kanya nung dati, habang kumakain ako kasama 'yung mga kaklase ko na hindi ko pa naman masyadong close sa Mcdo:
“Ang gwapo talaga niya! Ahihihi” Kinikilig 'yung isa kong kaklase na si Kaye, pagtingin naman sa katapat niya eh kinikilig din si Cai.
“Sa akin lang kasi siya nagtetext! Grabe!”
Sabay silang kinikilig at ewan ko, hindi ako makarelate eh.
“Alam mo ba Zelle, first time magkacrush 'tong si Kaye sa isang totoong tao” Pagpapaliwanag sa akin ni Miles na kinikilig din pero matino tino at nakakausap pa. Siya lang ang medyo close ko sa grupo na 'to.
“Paanong totoong tao?”
“Kasi puro KPop mga crush niyan, pero nung nakita niya 'yung kaklase natin. Ay grabe, kinikilig na sa totoong tao!” Tumawa naman si Miles habang ako nakangiti lang. Hindi talaga ako makarelate.
“Ah, sinong kaklase?” Okay, ako na ang chismosa.
“Uy Miles wag ka maingay!” Pilit na pinipigilan ni Kaye si Miles pero hindi nagpapaawat si Miles.
“Si Lorenzo! Yung matangkad na—” Okay. Stop.
At d'yan sa puntong 'yan, nawala na ang interes ko kay Enzo. Simula nga nung kinausap ako ni Enzo at naging friends na kami, kakaiba na 'yung tingin sa akin ni Kaye. Parang kakainin ako.
Parang gusto ko nga sabihin ‘teh, iyong iyo na si Enzo omaygahd hindi ko siya type!’ hahahaha.
Pero basta, iba na 'yung tingin niya tska 'yung tingin nila Cai at Miles sa akin. Obvious na may masamang hangarin 'yung tingin. Hindi naman sa guilty ako for stealing Enzo pero hindi ko naman ninakaw no! Siya kumausap sa akin at sumama kaya parang… alangan insnob-in ko eh hindi ako ganung klaseng tao.
I mean okay, gwapo sa gwapo si Enzo pero—hindi ko siya type.
Nalaman ko pa 'yung ugali niya, ay nako—lalong turn off. Hahahaha. Mas gugustuhin kong magkaibigan na lang kami although nakakabadtrip din kasi lagi niya akong binubwisit.
Oo, hindi inaasar. Kasi nabubwisit ako sa kanya. Hahahaha.
“Tara kain!” At simula nga nun, lagi na siyang nakabuntot sa akin.
So habang kumakain kami sa cafeteria, may mga napapansin akong mga tao na tumitingin sa amin hanggang sa dumating ang grupo nila Miles. Tumingin sila sa akin ng nakangiti na parang may gustong sabihin.
BINABASA MO ANG
Just One Answer
Teen Fiction"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"