Bakit ba… bakit ba parang nakaukit na sa isip ko mukha nung lalaking 'yun? Pamilyar siya pero… hindi ko siya kilala.
“Huy Zelle makinig ka kasi sa akin!”
Nagdadrama naman kasi ako pero syempre, hindi ko pupwedeng ituloy ang pagdadrama na 'yon dahil eepal at eepal itong Enzo na 'to. Minsan ang sarap na lang balikan ang past at sana hindi ko na lang siya pinansin noon.
Hays.
“So ano nga gagawin ko? Nakakainis na eh…”
Napairap na lang ako sa kanya sabay pinatong ang kamay ko sa pisngi ko para ipakitang nabobored na ako sa sinasabi niya.
“Alam mo, saan ba sa ex ang hindi mo magets ha? Ex mo nga di ba? Sino bang nakipag break? Siya ba? Ay wait, IKAW! So anong kinakana-kana mo d'yan at pinoproblema mo siya dahil hindi ka niya sinusunod? Ano ba Enzo, lagi na lang ex mo pinoproblema mo.”
“SSHHHhhh!” Napayuko naman ako sa hiya dahil sa librarian na narinig lahat ng sinabi ko. Actually, narinig nilang lahat ang sinabi ko kasi ang lakas ng boses ko—nakita ko namang natulala si Enzo.
Ayan na naman, nagdadrama na naman.
“Sorry ah?” Sabi na eh, drama mode on na naman 'to. “Hindi mo kasi alam kung ano feeling ng ganito. Magaling ka eh”
Napabuntong hininga na lang ako at nagkunwaring matutulog. Nakapatong lang 'yung ulo ko sa braso ko na nakapatong sa lamesa sa harap namin. Hahayaan ko na lang siya magdrama d'yan…lagi na lang eh.
“Alam mo…” Naramdaman kong pinatong niya 'yung kamay niya sa ulo ko. “…hanga ako sa'yo”
Teka, alam niyang natutulog ako di ba? Bakit niya ako kinakausap?
HALA BALIW NA SI ENZO!
“Ang galing mo” Sinimulan naman niyang himasin 'yung buhok ko pero hindi ako ‘gumising’. Ang sarap sa ulo eh! Hahahaha.
“Ang galing mo kasi ikaw, wala kang pinoproblemang ganito tapos parang ang saya mo lagi. Marami kang alam na hindi ko alam, marami akong natututunan sa'yo. Kaya kong maging ako lang tuwing kasama ka… Walang pretensions. Haaayyy…” Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga.
Grabe mag emo Enzo? Grabe?
“…sana ikaw na lang”
Napadilat ako ng wala sa oras sa sinabi niya pero hindi ko pa din inaangat ang ulo ko. A-anong pinagsasasabi niya? Kalokohan talaga nitong lalaking to. Kainis.
Kung anu-ano sinasabi eh.
Pinikit ko na lang ulit 'yung mata ko pero patuloy pa din niyang hinahaplos buhok ko. Hindi ko na din alam kung ilang minuto nakaraan pero parang nakatulog ako saglit nang gisingin ako ni Enzo.
Pagtingin ko naman sa kanya na medyo mabigat pa mata ko dahil medyo nakatulog ako, bigla na lang siyang tumawa.
“Ang fail ng mukha! Kadiring mukha 'yan. Hahahahaha” Napakunot ang noo ko sabay batok sa kanya.
“Wag kang epal!”
Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad palabas ng library at sumunod lang sa akin si Enzo. Nag kanya kanya na kami ng buhay dahil iba ang klase niya at klase ko nitong araw.
Pagpasok ko sa klase, agad akong binati ni Elle ng hi at ngiti niya. Hindi naman sa tomboy ako ah, pero maganda talaga itong si Elle. Maganda na simple—nakaglasses pa nga siya eh.
Basta wala siyang make up sa mukha, wala siyang kahit na anong arte sa katawan at basta! Ang simple simple talaga niya. Pagpasok ko nga sa klase dati nung first day, siya agad napansin ko at siya ang kauna-unahang nag approach sa akin.
Mabait, matalino, maganda at malented.
Sabi ko nga, hindi ako tomboy pero girl crush ko siya! Inaappreciate ko lang 'yung ganda niya. Ahihihi.
Hindi lang naman ako ang nakakapansin na maganda siya kasi model siya ng school. Kumbaga, kasali siya sa mga estudyante na kapag kailangan ng billboard, flyers, brochures or advertisement ang school—kasali siya dun.
Okay, siya na maganda. Girl crush ko nga di ba? Hahahaha.
Pero hindi naman kasi tungkol sa kanya ang buong kwento di ba? Kasi tungkol sa akin ito! SA AKIN! Muhahahaha.
Lumabas ako ng classroom dahil bad ass ako. Okay joke, mag cCR lang talaga ako. Hehehehe. So ayun nga, papunta ako ng CR ng may narinig akong sumigaw.
“ Uy John ah!”
Sa hindi malamang kadahilanan dahil hindi naman John ang pangalan ko eh lumingon ako sa tumawag na lalaking hindi ko knowings kaya napatingin ako dun sa tinawag niya sa kabilang ibayo ng hallway at nagulat ako sa nakita ko.
Yung lalaking nakatinginan ko last time.
Nagslow mo na naman ang buong paligid nang makita ko siyang ngumiti at tumango sa lalaking kausap niya sa kabilang ibayo. Hawak hawak niya ang strap ng backpack niya na isa lang ang nakasabit sa balikat niya.
Bago pa siya tumalikod ay nakita kong napatingin siya sa akin. Tumingin lang din ako sa kanya pero iniiwas ko din ang tingin ko na parang napunta lang ang tingin ko sa kanya ng hindi sinasadya.
So…
John pala ang pangalan niya. Sobrang unique name ah? Hindi ko mahuhulaang John ang name niya, pramis.
---x
Author's Note:
Kung hanggang ngayon ay binabasa mo pa din ito, THANK YOU. Dedicated to thecastlebelle sa pagsasagot ng katunungan sa prologue. :)
BINABASA MO ANG
Just One Answer
Teen Fiction"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"