Ch27: That feeling begins

34.5K 845 80
                                    

Binato ng bote ni Enzo 'yung kaibigan niya pero hindi natamaan kasi umandar na 'yung kotse habang rinig na rinig naman 'yung tawanan ng mga kaibigan niya.

At ang ipinagtataka ko, saan galing 'yung boteng binato niya?!

“Pasensya na dun sa mga 'yun ah, mga abnormal kasi eh” Nagkamot pa ng batok si koya.

 

“Okay lang, sanay na ako sa'yo. Parang ikaw lang sila, times 6 kasi 'yung driver tahimik naman” ngiting ngiti ko namang sabi.

 

“Buti kasama kita, kundi mapapainom na naman ako. Sawang sawa na ako sa alak” Umiling iling pa siya at parang gusto ko ata dukutin 'yung ulo niya at gawing bowling ball.

 

“Paano, broken hearted kaya lasing nang lasing”

 

“Oy hindi ah!”

Defensive po siya.

 

“Ano 'yung biglang liko?” Pagtataka kong tanong. Syempre medyo bagong word sa akin 'yun, kanina ko pa gustong tanungin eh ang daldal kasi, pinapangunahan ako hahahaha.

Nagulat siya sa parang pagtatanong ko (anong nakakagulat sa tanong ko?!) Hinawakan naman niya ako sa magkabilang braso ko at marahas na iniharap sa kabilang side.

 

“Ayan, biglang liko.”

 

“Tae ka, ang sakit kaya!” Sumimangot ako.

 

“Tara, saan ka ba dito?” Hala, biglang iniba ang topic?! Hay nako, ang korni naman nitong epal na 'to nananakit pa hmp.

So naglakad na kami papunta sa may amin at medyo mahabang lakaran 'to kasi kabilang kanto 'to at hindi dun sa binababaan ko talaga.

Tahimik lang kaming naglalakad at ang awkward talaga ng atmosphere naming dalawa. Napapansin ko rin na nagiging orange na 'yung sky, ang cool talaga pag sunset na.

 

“Ang awkward…” Napatingin ako kay Enzo na nagbuntong hininga pagkasabi niya nun, medyo napangiti naman ako at ewan ko, nafeel din pala niya 'yun. Bulong lang siya pero rinig na rinig naman, papansin talaga. “Wala bang playground dito?”

 

“Ha? Para saan? Magdadrama ka?” Natatawa kong tanong.

 

“Magdadrama?” Ewan ko ba pero napangiti ako at that thought. Magdadrama. Once kasi nung napag usapan namin ni John 'yung tungkol sa playground, may isa siyang sinabi na pasadong pasado bilang quotable quote.

 

 

“Ang weird no? Dati nung bata tayo, pumupunta tayo sa playground para sumaya tapos ngayong teenagers na tayo, doon naman tayo nagdadrama.”

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon