My heartbeat meter: /\__/\__/\__/\__/\__/\__/\__/\__/\__/\__/
“Close kayo ni Enzo, no?”
Napatigil ako sa pagkopya ng assignment nang biglang magsalita si John. Napatingin ako kay John na nakatingin sa akin at parang hinihintay ang sagot ko.
Oo nga pala, balik eskwela na ulit kami at kakatapos lang ng first week namin kaya may mga assignments na kami kaya kumokopya ako ngayon kay John at nasa cafeteria kami dahil hinihintay namin si Enzo. About naman sa tanong niya dati na hindi niya matanong tanong, hindi na niya tinanong pa ulit. Haist.
So balik tayo sa napatigil ako sa biglang pagtatanong ni John.
“Kami ni Enzo, close?” Ewan ko pero nakaramdam ako ng kaba. Hindi na ako masyadong kinikilig ng bongga talaga dahil nasasanay na ako sa presence ni John pero may mga bagay na minsan kapag kinakausap niya ako, kinakabahan na ako na hindi ko na malaman.
Ang weird nga eh.
Ngumiti siya at nagpose na parang naghihintay ng sagot ko kaya lalo akong kinabahan, medyo naninikip na rin ang dibdib ko na hindi ko magets! Takte, ano ba 'to!
“Uhm, syempre ano… magkaibigan kami, ganun!” Nakakaramdam ako ng awkwardness omaygahd.
“Ows?” Tumaas ang kanang kilay niya habang nakangiti pa rin. STOP IT JOHN, HUWAG KA NGA NGUMITI MASYADO, SUMASAKIT DIBDIB KO SA'YO EH! “Eh bakit parang—“
Naputol ang sasabihin ni John ng biglang may nagsalita sa may likod ko, paglingon ko, si Elle.
“Zelle, John, huwag niyo kalimutan 'yung about sa prom ah?” Ngumiti lang ako kay Elle at nakita ko ding ngumiti si John at… nagkangitian sila.
Pagkaalis ni Elle, napansin kong sinundan ni John ng tingin si Elle at… napakunot ako ng noo. Tumingin ako kay Elle na naglalakad palayo tapos kay John tapos kay Elle tapos kay John.
Wait, bakit…ganun?
“Ang ganda ni Elle no?” Napatigil ako sa sinabi ko at napatingin sa akin si John. Nakatingin lang siya na para bang nagtataka siya kung bakit ko sinabi 'yun.
EH ANG TANONG, BAKIT KO NGA BA SINABI 'YUN?!
At bakit parang… naghihintay ako ng sasabihin niya?
Ngumiti si John tapos kinuha 'yung notebook niya na kinokopyahan ko at naglipat lipat ng page hanggang sa hindi ko na namamalayan…nagpipigil na ako ng hininga.
Anong nangyayari sa akin?
“Okay lang, simple siya… ito 'yung sagot sa question na 'yan.” May tinuro siya sa notebook niya pero hindi ko napansin dahil nakatingin lang ako sa kanya at nakatingin lang siya dun sa notebook.
BINABASA MO ANG
Just One Answer
Teen Fiction"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"