Ep: The Answer

73.3K 2K 717
  • Dedicated kay You!
                                    

"Sometimes the questions are complicated and the answers are simple." 
— Dr. Seuss

~ ~ ~

“Basta ako pipiliin ko taong mahal ako! Duh, ayoko naman masaktan. Gusto ko 'yung may mag aalaga sa akin, tapos tapos may laging magtetext sa akin para itanong kung kumain na ba ako or kamusta na ako, kyaaaa! Kilig!”

“Gulo mo, hindi mo nga mahal tapos kikiligin ka? Hindi ba parang mas nakakakilig 'yung taong mahal mo tapos kahit simpleng ngiti lang niya, masaya ka na kumbaga effortless ang pampakilig!”

“Ewan ko sa'yo girl, hindi ka nga mahal eh, sa tingin mo ngingitian ka nun eh hindi ka naman niya gusto?”

“Kesa naman 'yung iisipin mo lang sarili mo tapos pipiliin mo 'yung taong nag eeffort para sa'yo tapos hindi mo naman mahal, ginagamit mo?”

“Matututunan ko naman mahali—OMAYGAHD SI DANIEL PADILLA AT RAYNE MARIANO BA 'YUN?!”

“Ha? Saan?! Aaaahhh!!! Nandito pala sila bakit hindi ko nakita sa official twitter account ng loveteam nila 'to?!”

Agad tumayo 'yung dalawang babae na sa tingin ko ay highschool dahil uniform ko 'yun dati at nagtungo sa isang parte ng mall na parang may pinagkakaguluhan silang mga tao doon. Medyo nagpalinga linga ako at napangiti ako sa nakita ko. . .

. . .sila na naman, 'yung mga kabatchmates ko na laging may kasweetang ginagawa ever, sikat pala sila? Ang cute talaga nung dalawang 'yun, parang mga artista eh!

Nakalipas na ang halos dalawang taon simula nung 3rd year highschool ako at nakaexperience ng isang kakaibang pangyayari na tinatawag nilang ‘love.’ Syet, korni!

Two years ago, highschool lang rin ako tulad nung dalawang babae na nagdedebate tungkol sa isang tanong na sa tingin ko ay naging teacher ko ang teacher nila ngayon dahil naexpose na naman ang tanong na 'yun.

Dalawang taon na ang nakalipas at ngayon, freshman college na ako sa isang kolehiyo. Hindi pa naman matagal, mga ilang weeks pa lang akong official college student at ngayon, kasama ko ang mga kapwa ko college students.

Omaygahd, college student na ako!

“Narinig niyo 'yung pinag uusapan ng mga highschoolers sa mall kanina?” Pagtatanong ni Kia sa amin. Naglalakad kami ngayon papunta sa library dahil may 1 hour pa kaming break bago ang next class.

“Depende sa pinag uusapan, ang dami eh!” Natatawang sabi ni Gia.

“Oo nga, ang daldal ng mga highschoolers no? Ang babata pa eh!” Komento ni Ria na akala mo gurang na.

“Maka bata ka naman Ria, kakacollege mo lang naman eh” sabat naman ni Pia.

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon