CH23: Serious mode: ON

31.5K 873 68
                                    

“Du—Du—Dugo!”

Nagpanic ang lahat ng tao habang nakatayo lang si Enzo sa pwesto niya at ako nakaupo sa pwesto ko. Tumakbo palapit sa amin sila John at Elle na hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit sila magkasama.

“Anong nangyari Enzo?” Nagpapanic na tanong ni Elle, hinawakan niya ang kamay ni Enzo na puno ng dugo. Ganyan talaga 'yang si Elle, masyadong mabait, maraming alam--nakakainggit nga eh.

“O-Okay ka lang?” Pagtatanong ni John, nagpapanic ang ilan pero si Enzo, parang hindi ko malaman kung kalmado ba or what.

“Uhm John, may panyo ka ba d'yan? Para medyo maibsan 'yung pagtulo ng dugo…” Ewan ko pero parang nagslowmo ang buong paligid. Nakita kong nakatingin lang si Enzo kay Elle na hawak ang braso niya para gamutin siya, si John na nagpapanic habang hinahanap ang panyo niya at si Elle, ang magandang si Elle na parang anghel na pinalibutan ng tao.

Nung nakita na ni John 'yung panyo niya, ewan ko ba pero parang may naramdaman akong pag ipit sa puso ko nang mapansin kong nagdampi ang balat nila sa isa't isa.

OA ba ako, or what?

Napatingin ulit ako kay Enzo, tahimik lang siya. Dumating na 'yung life guard at nagbigay ng gamot.

Gusto ko siyang sampalin kaliwa't kanan hanggang sa bumalik na siya sa dating Enzo na minsan masaya kasama at madalas nakakakabadtrip dahil sa pang aasar niya sa akin pero hindi ko magawa dahil sa ngayon, pakiramdam ko ang layo namin sa isa't isa kahit isang lamesa lang naman ang layo namin.

Sinugod siya sa ospital, well, hindi naman talaga “sinugod” pero pumunta ang ilan para samahan si Enzo sa ospital at nagstay ata doon. Si Elle naman, pumunta lang pala dito para ipaalala sa amin na malapit na ang prom pero mas malapit na ang foundation day saka umalis naman agad.

Nung nawala na ang commotion, bumalik na ang lahat sa dati na parang masaya na ulit. Nagswimming na ang lahat kasama ako at si John. Well, masaya naman pero sinusumpa ko na talaga ang swimming pool, seryoso.

Una, dahil muntikan na akong malunod.

Pangalawa, hindi si John ang sumagip sa akin.

Pangatlo, may life guard nga pala dito, paksyet lang.

Nagstay na lang ako sa cottage, parang wala na nga akong mukhang maihaharap eh. Ayoko na, kasalanan ko bang hindi ako marunong magswimming?! Kasalanan ko bang magdaydream?! Ahuhuhuhuhuhu.

Tinitignan ko lang sila… pero mas focus ko si John.

Kausap niya si B1 sa swimming pool, hindi sila magkakilala talaga pero parang close na sila. Ewan ko pero naiinis ako, ganyan ba talaga ka malalapitin si John ng babae to think na hindi naman malakas appeal niya at parang nagbeblend in lang naman siya sa crowd?

Kung tutuusin mas gwapo si Enzo eh… pero, ibang iba si John.

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon