“Sumunod ka sa akin…”
Nagkatinginan kami ni Mary at parang nagtataka pa ang mukha niya sa inaasta ni Enzo dahil jolly talaga si Enzo pero ngayon, ang seryoso ng mukha. Nginitian ko na lang si Mary at binalik rin niya ang ngiting 'yun tska ako nagpaalam para sundan si Enzo.
Hindi ko rin alam kung bakit napapasunod ako sa sa inuutos niya which is hindi naman talaga ako madalas sumunod sa mga sinasabi niya. Sinusundan ko lang siya hanggang sa lumabas kami ng library, pababa ng stairs at paglakad sa hallway. Walang nagsasalita sa amin, hindi rin niya ako masyadong iniiwan palayo at panay ang lingon niya sa akin, siguro tinitignan kung sumusunod pa ba ako o hindi.
“Uy Zelle!” Nakangiting bati sa akin ni ate Jasmine. “Gusto mo ba sumali sa cotillion sa prom?”
“Ay, hindi ako worthy sa ganyan eh!” Nakangiti kong sabi, kasi masyado akong maganda para d'yan! Muhahahahaha!
“Ay nako Zelle” Sumimangot pa ng kaunti si ate Jasmine. “Ikaw Enzo, gusto mo sumali?”
Napatingin ako kay Enzo tapos kay ate Jasmine na naghihintay ng sagot. Hindi ata napapansin ni ate 'yung aura ni Enzo na parang mangangain na ng tao. Tumingin si Enzo kay ate Jasmine at naramdaman kong parang natakot si ate sa tingin na 'yun.
“Ay uhm…” Napansin ko ang naramdamang awkwardness ni ate Jasmine dahil naglakad na palayo si Enzo tapos tumingin siya sa akin na parang nagtataka rin. Ngumiti lang tuloy ako ng awkward smile ko tapos nagsorry at sinundan si Enzo. Hinabol ko si Enzo hanggang sa makalabas na kami saka ko siya binatukan.
I know, bad mood siya pero ang sama kasi niya eh!
“Bakit mo naman tinignan ng masama si ate Jasmine?!” Tumigil na siya ng paglalakad ng medyo makalayo na kami sa school. Tinignan lang niya ako pero seryoso pa rin 'yung mukha niya, para ngang hindi niya nafeel 'yung pagbatok ko eh.
May kung ano naman siyang kinuha sa bulsa ng uniform niya at nagulat ako sa nakita ko! Nilagay niya 'yun sa bibig niya at sinindihan tapos… tapos…
“Na-naninigarilyo ka?”
I can't believe this, si Enzo, naninigarilyo?!
Binuga niya 'yung usok at hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa nakikita ko o ewan ko. Napatitig ako sa hawak hawak niyang sigarilyo na nakasindi tapos sa kanya na nakatingin sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang... ganyan.
Ang weird.
“Oo, bakit?”
“H-Hindi ko alam na… na naninigarilyo ka pala” Hindi na ako makatingin sa kanya ng maayos, bakit ba pakiramdam ko nag iba na si Enzo? Na hindi na siya si Enzo dati?
“Wala ka kasing oras para kilalanin ako…” Napatigil ang paghinga ko ng marinig ko 'yun. Patuloy lang ang paninigarilyo niya habang parehas lang kaming nakatayo, hindi kami malapit sa isa't isa pero hindi rin naman kami malayo.
BINABASA MO ANG
Just One Answer
Teen Fiction"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"