Okay, fine.
Alam kong may gusto siya sa akin (omg kapal muks ko 4evah) dahil narinig ko ang binulong niya dati sa clinic noon. Hindi ako manhid, alam ko naman eh. Pinagtataka ko lang, bakit kailangan niyang umakto ng ganun, di ba?
Inuulit ko, hindi ako manhid!
I'm doing this for the two of us dahil gusto ko isave yung friendship namin na sa tingin ko eh ayaw ata niya. Ayaw makisama eh!
Ang gulo niya din kasi minsan, papansinin ako tapos mamaya, hindi na. Ang daming babaeng lalapitan tapos kapag nakakasalubong ako parang hindi ako kilala tapos mamaya kukulitin ako ng bonggang bongga.
Now tell me, ako ba talaga ang magulo?!
Mahirap maging maganda!!!!!!
Joke!
Carry ko lang maging maganda, sanay na ako.
Nakapalumbaba lang ako sa upuan ko dito sa classroom habang nakatingin sa may bintana. Ang weird ba kung bakit ako nandito? Well kasi, Monday na ngayon at Friday nangyari 'yung pangyayaring 'yun na para bang napasabi na lang ako ng:
Ha? Mamimili ako agad, ending na ba?!
Pero may isang pumigil sa akin mamili… isang boses, isang boses na tumatawag at nagsumamo sa pangalan ko nung hapong 'yun.
“Zelle!” Sabay kaming napalingon ni John sa tumawag sa akin, isang lalaki—kaklase ko. “Hoy Zelle!”
Tumakbo siya palapit sa akin at bago pa ako makatakbo paalis, hinawakan niya ako sa braso ko ng sobrang higpit na para bang ayaw niya akong pakawalan.
“Ba-Bakit?” Natatakot kong tanong, kita rin sa mukha ni John na nagtataka siya sa nangyayari. Kinakabahan naman ako.
“Huwag kang mag escaper, cleaners tayo!”
And yes mga kababayan, napabalik ako sa school ng wala sa oras… at naglinis.
DANG.
Akala ko pa naman makakatakas na ako, dapat pala umalis na talaga ako agad! Ahahahays.
So ayun nga ang nangyari, wala akong pinili dahil kinaladkad ako ng kaklase ko pabalik ng room para maglinis at heto ako ngayon, nakaupo—nasa kabilang dako lang ng room si Enzo, simula nung nagsimula ang klase hanggang ngayon na 3rd subject na namin na magkaklase, hindi pa rin kami nagpapansinan.
Haist, paano na ang friendship namin?
“Huy Zelle, lakas maka music video d'yan sa tabi ah?” Napalingon ako sa kaklase kong girl na tawagin na lang nating B1 na kasama si B2, kaya B1 at B2 kasi pansin kong lagi silang magkasama. Ngumiti lang ako tapos napansin kong parang tumingin sila sa part ni Enzo tapos sa akin.
BINABASA MO ANG
Just One Answer
Teen Fiction"Anong mas pipiliin mo: taong mahal mo na hindi ka mahal o taong mahal ka pero hindi mo mahal?"