Ch31: Kasal, kasali, kalas

29.6K 808 135
                                    

Ikakasal ako? Ikakasal ako kay… Enzo?!

Hinila na ako ni kuya na nagposas sa akin pero ibang posas ang gamit kay Enzo at iba ang pumosas sa kanya. Nagkahiwalay kami ng landas at napansin ko na lang na papalapit ako kasama si kuyang nagposas sa akin sa mga babaeng ngiting ngiti sa akin.

“Ikaw na ba susunod?”

Anong… ano 'to?!

Ang bilis ng mga pangyayari, sinabi nilang maghubad daw ako at magbibihis ako ng wedding dress na hindi ko malaman kung saan nila kinuha. Tinutulungan ako ng halos lahat ng babaeng nandito sa de aircon na room na ito. Bakit ba parang ikakasal talaga ako?!

Minake-upan pa nila ako at pagtingin ko sa salamin, feeling ko totoo na 'to.

Pero, sino nagpamarriage booth sa akin? At si Enzo pa?

“Teka ate, hindi kasi ako—“

“Nako, huwag ka na umangal kundi babayaran mo ng 250 'to” Sabi sa akin nung babaeng nag aayos ng buhok ko.

“Ano?! 250 babayaran para lang itigil 'to?!” Ngumiti lang sa akin si ate at pinatayo na niya ako dahil tapos na daw ako.

“Goodluck sa wedding!” Watdahek! Watdahek!!! Ang unfair nitong marriage booth na ito at bakit parang ang sosyal?! Pati hindi ako sanay dito sa heels tapos bakit may ganito pang dress na nalalaman?! Bakit may belo pa, anong kalokohan 'to?!

Pinalabas na ako nung mga babae sa room at napansin kong nakatingin sa akin halos lahat ng taong nakapalibot, una kong nakita si Enzo na seryoso ang mukha pero… kung siya ang ikakasal sa akin, bakit parang teka, naka posas siya sa ibang babae?

So, hindi siya 'yung ikakasal sa akin?

Nakarinig naman ako ng hiyawan mula sa kanan at pagtingin ko, nagulat ako sa nakita ko. Lumulukso na naman ang puso ko sa dibdib ko, oh my… oh my…

“John?” Naglalakad siya papalapit sa akin, nakaayos rin siya na parang ikakasal. Nagkakamot siya ng batok habang papalapit sa akin na parang nahihiya, nakangiti lang rin siya sa akin.

“Ang ganda mo, Zelle” Tumigil panandalian ang pagtibok ng puso ko.

“John naman eh!” Tinulak tulak ko siya pero natawa lang siya.

“Promise, hindi ako may pakana nito” Huminga ako ng malalim. Kinakabahan ako, ang daming nakatingin, naka pang kasal kaming dalawa ni John at ewan ko, jusko ang sakit na naman ng dibdib ko. “Uhm, Zelle…”

Napatingin ako sa kanya at nagulat ako sa pagluhod niya sa harap ko!

OMAYGAHD LUMUHOD SA HARAP KO SI JOHN!

“Ano, uhm…” Hindi ako makahinga, hindi ako makahinga!

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon