Kabanata 7

330 24 4
                                    

Kabanata 7
Sorry

The air breeze of sunday morning enveloped my body. Hindi pa man sumisikat ang araw ay nilalakad na namin ang daan papasok sa simbahan.

Tuwing sunday ay nagsisimba si Manang Tising at kapag nasa sa La Puerto ako noon ay inaaya niya ako. Madalas inaayawan ko dahil ayokong lumabas, napapasama lang ako kapag pinagalitan na ni Daddy.

Tiningala ko ang maliliit na banderitas na marahas na sumasayaw sa ihip ng hangin. Ang istriktura ng simbahan ay kapansin-pansin dahil sa makaluma nitong disenyo. Some parts are looks like it painted in a pitch black but I know it's a grunge. Maliit lang ito kumpara sa mga napupuntahan kong simbahan sa ibang lugar.

"Tara na Solenn," ani Manang Tising at marahan humawak saakin braso.

Tumango ako at sabay kaming pumasok sa simbahan habang si Daddy ay nasa likod namin at nakasunod.

Gusto ni Manang Tising na sa unahan kami para marinig niya ang pari mamaya kaso akupado na ang lahat ng mahabang upuan sa unahan. Kaya sa pangalawang baitang na lamang kami giniya ni Daddy.

Kinusot ko ang aking mata nang makaupo na kami at tinitigan ang mga rebulto sa unahan. Nakakapagsimba lang talaga ako kapag nandito ako sa La Puerto dahil parte na kila Daddy ang magsimba tuwing linggo.

Tahimik ang buong paligid kaya't bawat galaw ay naririnig. Napahikab ako at halos mahigop ang lahat ng hangin ng mapagtanto kong may nakatingin saakin.

Kumaway saakin si Rogan at magalang na tumango kila Manang Tising.

"Magkakilala kayo ng Elizondo na 'yon?" tanong ni Daddy kaya't napatango ako.

"He's my classmate." tinignan ko kung sinu-sino ang katabi ni Rogan at mukhang pamilya niya ang kasama.

"Mga Elizondo ba ang mga 'yon? Nako, ang labo na ng mata ko at hindi ko makita." Manang Tising squinted her eyes trying to recognized them.

"Kilala n'yo po pala sila." binalingan ko ulit ang pwesto ni Rogan. Nasa unahan sila nakaupo pero hindi ko man lang siya napansin kanina.

"Aba syempre! Tuwing linggo rin sila nagsisimba kaya nakakasabay namin. Tska Elizondo 'yan, hija kaya kilala talaga." pinilig ko ang aking ulo dahil hindi ko makuha kung ano ang kahalagan sa apelyido niya.

"They owned trucking company and some businesses. " singit ni Daddy.

"Isa 'yan sa pinaka mayaman pamilya dito sa La Puerto. Diyan rin nagrerenta ang tatay mo ng truck kapag magdedeliver ng ani." dagdag ni Manang Tising.

Napatango-tango. Kaya naman pala kilala rin nya ang Daddy ko dahil isa si Daddy sa customer ng kumpanya nila.

Nagsimula na ang misa kaya naman tumahimik na ang lahat. It was solemn. Father talked about the importance of giving and how it empowered ourselves. Kaya naman nang magdadasal na kami, nagpasalamat ako sa Kaniya sa pagbigay ng kapayapaan sa unang linggo ko sa La Puerto.

"Uy Sol!" napalingon ako kay Rogan na nakatambay sa labas ng classroom, umaga ng lunes. "Good morning." aniya at ngumiti.

"Good morning." sambit ko at tinungo na ang upuan namin.

"Hindi na kita nakita kahapon, nawala kayo." bahagyang napalingon ang isa namin kaklase na mukhang narinig ang sinabi niya.

Nang matapos kasi ang misa ay nagsiksikan ang tao sa gitna para makapagmano kay Father. Hindi na kami nakisali doon at agad lumabas ng simbahan.

"Umuwi agad kami nila Daddy eh." sambit ko at tinignan ang pwesto nila Olivia. Nakita ko na ang bag nila pero wala sila doon.

Rogan still standing infront of me so I looked up to met his gaze. He was about to say something when one our classmate interrupted and called him.

La Puerto #1: Along with the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon