Kabanata 32

310 17 16
                                    

Kabanata 32

Like

Halos mapindot ko na lahat ng keyboard para mag-isip ng isasagot kay Rogan but I end up erasing everything.

Damn it!

Ni-hindi man lang natakot si Riva sa galit ko at aniya'y magpapasalamat pa daw ako sakaniya kalaunan. Anong ipasasalamat ko dito? Ang kahihiyaan binigay niya saakin?!

I don't know if I could face him again. I feel humiliated! I don't want to explain because it might sound defensive.

"Take care my love!" Kaway ni Riva saakin sa airport nang paalis na ako pauwing La Puerto. I rolled my eyes at him and didn't even bother my death stare and waving playfully.

Ayokong magpakita at pakiramdam ko ay lalagnatin ako kapag nakaharap ko na si Rogan. Nakakahiya talaga! Isipin pa nun masyadong mataas ang tingin ko sa sarili.

"Good morning Solenn!" Halos mapatalon ako nang makasabay ko si Mila papasok sa office. Nag maaga ako ng isang oras para makapagkulong sa office ko.

"Nagkita ba kayo ni sir?" Agad akong umiling at naalala na naman ang text message ni Riva.

"Sabagay. Biglaan rin ang pagpunta niya sa Manila. Hindi ko nga alam bakit siya umattend dun sa conference na nabanggit ko e nilinaw niya saakin na hindi siya makakapunta." Wala ako masabi at nakita niyang mukhang hindi ako interesado kaya't binago ang topic.

"Ang aga mo naman! Mamaya pang 7am pasok mo ah?" Tipid akong ngumiti.

"Absent po kasi ako kahapon kaya kailangan ko tapusin ang mga gagawin." Naging effective naman ang rason ko na 'yon dahil hinayaan ako ni Mila, dinagdagan niya pa ang gagawin ko na kinatuwa ko pa.

I didn't dare to step out of my office. Rogan didn't show up today and makes me anxious more! Ano na kaya ang iniisip niya saakin?

Agad akong lumabas sa office ko nang mag lunch break. Saktong 10am ay tinakbo ko na ang palabas.

"Hindi ka sasabay?" Si Mila ng mapansin ang pagdaan ko sa office niya.

"I need to go home." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na sumakay sa kotse ko.

Tahip tahip ang kaba ko hanggang makalabas sa gate. Iniisip kung paano naman ako makakabalik mamaya nang hindi nakikita si Rogan but I think things were on my favor when I heard from Mila that he went out for business meeting.

Naging payapa ang araw ko dahil hindi nag krus ang landas namin ni Rogan pero hindi ako tumigil sa pag-iwas para hindi kami magkita. Effective naman dahil buong linggo kami hindi nagkita.

"Baka umiwas rin!" Tawa ni Riva sa kabilang linya ng kamustahin niya ako tungkol kay Rogan.

"I should be the one who gets embarrassed!" Giit ko.

"Ewan ko sa'yo! Napaka indenial mo pa rin. Bakit ba ayaw mong tanggapin gusto ka ni Rogan?" Natahimik ako dahil hindi ko masagot ang tanong na 'yan.

Maybe because of the bet I've heard years ago. Well, it might not be true but I kept on holding that so I have a reason for myself to stop my delusion.

Monday morning when I decided not to think of seeing Rogan as I heard he'll stay abroad for a month.

"Good morning Solenn!" Mila greeted me while I was humming a tune. "Good mood ka ata!" Ngumiti lang ako at binati siya pabalik.

Hindi pa man nagiinit ang pang-upo ko sa upuan nang makita ko si Mila nakasilip sa office ko at hindi mapakali.

"Solenn! May bisita ka! Hindi ko maintindihan at mukhang italyano! Ang pogi!" Patili niyang bulong saakin at halos hatakin ako palabas.

La Puerto #1: Along with the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon