Kabanata 20

265 17 9
                                    

Kabanata 20
Hungry

Katulad ng gusto niya ay ihahatid niya pa rin ako. Hindi pa nga lang tapos ang training nila ay umalis na siya.

"I can wait, you know." Pag kumbinsi ko dahil nakita kong pinagalitan pa siya ng coach nila bago kami makaalis sa court.

"Tsk, wag na. Pagtitinginan ka lang ng mga kasama ko."

"Hindi pa tapos training mo, Rogan."

"Kaya na nila 'yon.." napailing ako dahil mukhang wala lang sakaniya ang training.

Ngayon ko lang nalaman na basketball player rin pala siya ng school. Hindi na nakakagulat dahil matangkad siya siguro ay hindi nga lang siya masyado tutok doon, di katulad ng mga kaibigan.

Marahan kong niyakap ang sarili dahil sa isang malakas na hangin. Hinawi ko rin ang bangs kong humaba na at natutusok na ang mga mata ko.

Ayokong papatulin 'yon dahil mukhang okay rin ang mahaba.

"Bagay na bagay si Miss Adi kay Rogan, noh?" Gusto ko lingunin ang nag-uusap sa likod pero baka malaman nilang rinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Oo nga eh. Ang tangkad nila parehas! Ano kaya height ni Adi?"

"Nako nasa 5'8 ata sya eh. Ang ganda niya! Parang mas bagay pa siya sa mga model eh!" Nakita kong sumulyap saakin si Rogan at mukhang naririnig niya rin ang mga ito.

"Mukha naman model si Rogan ah!"

Tahimik lang kami dumiretso sa kotse ni Rogan habang siya ay hinabol pa ang tingin nung mga students na nag-uusap sa likod namin.

"Oo nga. Mukha naman akong model eh." Aniya bago ako balingan.

Natawa ako habang siya at mukhang nahihintay o nanghihingi ng opinion saakin tungkol doon.

Well, yes. Pasok na pasok siya sa standard ng mga model sa Manila. Hindi na rin ako magugulat kung may agency mag alok sakaniya mag modelo kapag napunta siya sa Manila.

"Do you have male friends?" Tanong niya habang palabas na kami sa school.

"Hmm yeah. Some classmates," which I think si Bryon lang. "And some co-models." Napakunot-noo siya sa huling sinabi ko.

"I bet they also like you." Tiim bagang niyang sambit.

"Well, some of them—"

"Hindi man lang dineny..." He scoffed and used his one hand while driving.

"You're asking!" Natawa ako at hindi ko alam kung itutuloy ang sasabihin.

Yes, some of them but afterwards they'll move on and hit on another co-models. Hindi lang naman ako ang modelong kaya nilang magustuhan. Madami ako kaibigan magaganda at sexy din.

Mabilis ang naging byahe namin at nakarating agad sa bahay. As usual, he'll park it just outside our gate at ihahatid niya ako hanggang pintuan.

Natatawa pa ako habang naglalakad na kami papasok dahil tinatanong niya kung paano daw maging model.

"I don't know how to pose..." He made some funny poses that are not really seen in a magazine. I burst out a loud laughed because he looked ridiculous.

"Don't laugh at me, help me instead come on.." napailing ako habang tawang-tawa pa rin.

"Stop it Rogan! That's not how it should be!" Saway ko sakaniya habang siya ay natatawa na rin sa ginagawa.

Nasa gitna ako ng pagtawa ng napatingin ako sa veranda namin at halos nasamid sa sariling laway dahil nakita ko si Mommy tahimik na nanunuod samin. Nasundan agad iyon ni Rogan at para kaming naestatwa at tila nahuli. Ni-hindi ko napansin nakapark nga ang kotse ni Mommy sa loob.

La Puerto #1: Along with the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon