Wakas
"Rogan, balita namin kaklase mo 'yong sikat na child actress ah!" Bungad sakin ng mga kaibigan na sinadya makumpleto dahil sa bagong transfere sa school.
"Pakilala mo naman kami!" As I expected this is what they are trying to do.
"And you really think papatulan ka nun?" Tanong ko kay Bryan na tinabunan agad ng ilan kong kaibigan.
"Ako muna pakilala mo. Childhood crush ko 'yon. Iniyakan ko pa nga nung bigla nawala sa showbiz." Isa pa 'tong si Sean na kahit mukha naman sincere sa sinabi parang gusto ko bangasan ang mukha.
"Ang ganda nun! Panigurado mas maganda 'yon sa personal!" I was bombarded by all of this fucker that I want to punch their faces one by one.
"Can you-" Napapikit na lang ako ng tila mga bakla ang mga hinayupak na 'to at nag-uunahan kumbinsihin ako sa gusto nila mangyari.
Callisto just laughed.
"Guys settle down. Rogan will never gonna help you. He himself can't even get close to that woman..." Lumipad ang middle finger ko sa kaibigan dahil kuhang-kuha niya ang sitwasyon ko.
Totoo rin naman ang gago kaso hindi ko ipapakita na agree ako sakaniya. It's just very difficult to clear your reputation quickly just because you're interested to that person.
I can't deny that I used to play with girls. Ginawa na nga ata namin competition 'to ni Callisto dahil kami ang palagi may babae every month. Basta ang golden rule lang ay kapag nagtanong na ng label, that's the end.
So, I can't just hit on Solenn because she knew I'm a fucking playboy. And yes, I did have a little crush on her because why not? Maganda naman talaga si Solenn!
"Maganda ba?" tanong ko kay Solenn isang araw ng makakuha ako ng tyempo na kausapin siya.
Alam kong wala naman siyang pakealam kung sino ang type kong babae pero ayaw ko lang lumayo siya at isipin niya na siya ang next target ko. Laking pasasalamat ko na seatmate ko siya. May dahilan talaga ang lahat kung bakit dito ko napili umupo sa likod.
"Huh?" napalingon siya saakin at napatingin sa aking cellphone.
"Oo..." It was my picture with Sora. Matagal na rin naman nagpapansin si Sora at kung hindi ko pa malalaman may similarities kami ng interest which is si Solenn hindi ko naman siya mapapansin.
"Thanks bangs. Nalaman niyang kaklase kita. Fan mo daw siya noon pa. Matutuwa 'yon dahil sinabihan mo maganda." Tinapunan niya ulit ng tingin ang cellphone ko at nagkibit-balikat.
Na para bang hindi na bago sa pandinig niya 'yon kung makarinig siya na may nakakadate na agad ako. Na sa ilang araw niya dito sa La Puerto, alam na niya agad ang hilatsa ng buhay ko.
It was the first time I had ever felt so bothered. I'm intrigued by her point of view, her deepest thoughts, and her opinions on me in particular. Never in my life have I felt as disturbed as I am right now.
"Sige na Francine, pahiram na ng notes mo kay Mrs. Mesina. Ikaw lang naman kilala kong masipag at matalino dito."
Nakita ko ang pag-ikot ng mata niya habang pagod na sa pangungulit ko. Ayaw ko kasi siyang tantanan dahil alam kong masipag siya magsulat ng notes. Siya palagi kong napapansin nakayuko at halos yakapin na ang upuan kakasulat.
"Tapos na tayo sa subject na 'yon ah! Ano pa bang babalikan mo dun?"
"Sige na please..." hindi ko masabi ang dahilan, hinding-hindi ko sasabihin ang dahilan.
"Fine, dadalhin ko bukas."
"Wag na. Pupunta ako sainyo. Ako na kukuha. Kailangan na kailangan ko." Napataas ang kilay niya at ilang segundo akong tinitigan bago bumuntong-hininga at sumuko na sa kakulitan ko.
BINABASA MO ANG
La Puerto #1: Along with the Sun
Fiction généraleAditya Solenn Lozano, a former child superstar who lost her career when her dark side went public. Years have passed, Aditya try to regain her career but things aren't in her favor. Her past still haunting her that cause her another downfall. Noon p...