Kabanata 14
ShareNaging abala ang lahat sa sumunod na araw dahil sa nalalapit na prelims. Most of the time, I saw my classmates flocking together in some kiosk doing our project, outputs or doing reviewers.
Ganoon rin kami nila Airiel kaso hindi ko minsan masabayan ang kasipagan nila. I have lots of moments wherein i'll take my break while they're still preoccupied with paper works. I'm not a lazy person, I just don't want to burnt myself out because I know my capabilities.
"Sol tara canteen!" napabaling ako kay Rogan na prenteng nakaupo ngayon sa upuan niya habang halos ang lahat ay abala sa activities na ipapasa mamaya.
Abala rin naman ako pero dahil palagi ako nagbibigay ng break time sa sarili, natyempuhan ni Rogan na mukhang free ako kaya ako ang inaaya.
"Punta kayo canteen Solenn? Pasabay naman ako tubig. Nauuhaw na talaga ako eh." sambit ng isang kaklase namin na sinulyapan ako nang isang beses bago tinuon ang atensyon sa kaniyang papel.
"Uy ako rin!" napaawang ang bibig ko dahil mukhang wala na akong choice kundi pumunta sa canteen dahil madami na ang nagpasabay kahit wala naman akong sinabi na sasama nga ako kay Rogan.
I looked at Rogan who was waiting for me outside the classroom. I sighed and went to him. Nang makalapit ako ay nagsimula naman na agad siyang maglakad.
"You done with our activity, too?" tanong niya. Umiling ako dahil hindi ako katulad niyang matalino kaya't natatapos agad ang activities.
Kaya nga kanina pa siya naghahanap ng pwedeng mayaya papuntang canteen dahil tapos na agad siya. Habang ako ay nasa kalahati pa lang ng activity.
"Oh, do you need help? I'm free." ngisi niya. His offer is really tempting lalo na't medyo nahihirapan na nga ako but I shook my head.
"Okay lang Rogan. Kaya naman," tumango siya at di na nagpumilit.
Mabilis kaming nakabalik sa canteen dahil pareparehas lang naman tubig ang pinasabay ng mga kaklase namin. Tahimik ang lahat ng pumasok kami. Umingay lang nang makita kami. Si Rogan ang may dala-dala lahat ng pinabili ng mga kaklase namin kaya siya ang dinaluhan ng mga kaklase namin.
Gumilid ako at pumunta na muli sa upuan ko habang sila ay nag-iingay na at mukhang binigyan na rin ang mga sarili ng break time. Wala ako binili kahit na ano dahil wala naman talaga akong bibilhin pati may sarili akong tumbler na dala.
"Ang hirap nga eh. Paano ba yung ginawa mo sa'yo?" tanong ni Dino kay Rogan na nag-aabot ng mga inumin.
"Tignan mo na lang ginawa ko pre." aniya at lumapit sa banda ko.
"Sol, tubig..." at ibinaba ang bote ng tubig sa gilid ng mesa ko.
Ramdam ko ang mga matang nanunuod saamin. Napalunok tuloy ako dahil hindi ko inasahan bibigyan niya pa ako kahit sinabi ko na sakaniyang may dala akong sariling inumin.
"T-Thanks!" ngiti ko at kinuha na ang bote at muling hinarap ang ginagawa.
No one dared to tease us and it feels weird. Hindi dahil nasanay na akong bawat kibot ni Rogan ay aasarin siya o kami. Ilang araw na rin natigil ang pang-aassar ng mga kaklase namin, pabor man sakin nanahimik na sila sa tuwing nag-kakalapit kami ni Rogan ay napapaisip ako. Maybe because his relationship with Roselle seems serious. I don't know. I just really hope he's taking the girl for real.
"Whoo! Tara na't magwalwal!" sigaw ng mga kakalse namin nang lumabas ang huling prof namin sa araw na ito, dala-dala ang test paper namin.
Napahinga ako ng malalim habang nag-aayos ng gamit. Biyernes at tapos na rin ang prelims namin. And as expected, everyone has a plan to celebrate.
BINABASA MO ANG
La Puerto #1: Along with the Sun
General FictionAditya Solenn Lozano, a former child superstar who lost her career when her dark side went public. Years have passed, Aditya try to regain her career but things aren't in her favor. Her past still haunting her that cause her another downfall. Noon p...