Kabanata 5
TypeNagsisi akong pinatulan ko pa ang kalokohan ni Rogan. Kaming dalawa tuloy ang napili ni Mrs. Verdera na unang reporters sa topic next meeting.
Nakasimangot tuloy ako habang nagliligpit ng mga gamit ko.
"Bye sup! See you tomorrow!" pahabol niyang sambit at mukhang hindi apektado sa sinabi ni ma'am Verdera.
Kinawayan ko lang sila Olivia ng maabutan ko silang nakatingin saamin. Dumiretso ako sa parking area ng school. Naitext ko na si Daddy uwian na namin kaya maya-maya lang ay nandito na 'yon.
I leaned myself against the wall and looked around. Malaki ang parking area ng school kahit madaming kotse ang nakapark. Malapit lang rin ito sa gate kaya nakikita ko mula sa malayo ang mga naglalabasan at nagpapasukan estudyante. Nakita ko pa ang ilan kaklase kong pamilyar na saakin.
Sinulyapan ko ang cellphone ko dahil kanina pa ako nag text kay Daddy pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Limang estudyante na ang nabilang ko na may sariling kotse.
Hindi na ako nagulat doon. Alam kong madami ang mayayaman sa La Puerto. At ang iba sakanila ay nagmamay-ari ng ekta-ektaryang lupain. Ang sabi nga saakin ni Daddy ay maliit pa ang lupa niya kumpara sa mga plantation ng mga ito.
"Oh sup!" parehas ata kami nagulat ni Rogan ng maabutan niya pa ako sa parking lot.
Napatingin siya sa buong paligid bago ako tinignan. "Wala ka pa sundo?"
Obvious naman Rogan diba?
Tumango lang ako at tinawagan na si Daddy pero hindi naman niya sinasagot. Iniisip kong abala pa siguro siya sa planta dahil kaninang umaga ay nagsimula na sila mag-ani.
"Ah same!" aniya at humalukipkip habang pinapanuod ako. Binaba ko ang cellphone ko at tinext ulit si Daddy.
Kapag wala pa rin siya after 15 minutes, magcocommute na lang ako. Though, I don't know what our exact address is. Siguro alam naman na ng driver 'yon kung sabihin ko na plantation ng Lozano.
Binibilang ko na ang minuto ng biglang umingay ang paligid. Sabay pa kaming napalingon ni Rogan sa padating na grupo.
"Uy!" naghiwayan ang mga ito ng makita kaming dalawa ni Rogan kaya't napakunot-noo ako.
Nakita kong lumipad ang middle finger ni Rogan sa ere. Doon ko napagtantong sila rin yung lumapit kay Rogan kanina sa canteen.
"Hi miss Adi!" bati ng isang lalaki na pinaka maliit sa grupo.
Ngitian ko siya at tinignan ang ilan pa niyang kasama. Apat silang lalaki at may dalawang babaeng kasama.
"Ah sup, mga tropa ko." aniya ng mismong ang mga ito na ang lumapit saamin.
"Hi miss Adi, pwede papicture?" tanong ng dalawang babae na nangunguna sa paglapit saakin.
"S-sure.." hinarap agad nila ang camera saamin kaya't ngumiti ako.
Ilang click pa sa camera ang ginawa nila bago nakuntento. Tuwang-tuwa sila habang tinitignan ang mga pictures.
"Miss Adi pwede ka ba i-add sa facebook?" sambit ng isang babae na may kulay brown na maiksing buhok. May bangs rin siya pero hindi katulad saakin, mas makapal ang sakaniya.
"I'm sorry. Wala na kasi ako Facebook." I politely smiled.
Gusto ni Daddy na idelete ko na ang social media account ko para maiwasan ko na daw ang pagbabasa ng hateful comments ng mga bashers kaya lahat ng account ko ngayon ay nakadeactivate.
"Sayang naman. Tag ka sana namin!" hilaw akong ngumiti at hinihiling na sana ay umalis na sila.
Nagpakilala saakin ang mga lalaking kaibigan ni Rogan na katulad niya ay may mga itsura pero mukhang loko-loko rin. Nakahinga tuloy ako ng maluwag ng magpaalam na sila at inaaya na si Rogan.
BINABASA MO ANG
La Puerto #1: Along with the Sun
Fiksi UmumAditya Solenn Lozano, a former child superstar who lost her career when her dark side went public. Years have passed, Aditya try to regain her career but things aren't in her favor. Her past still haunting her that cause her another downfall. Noon p...