Kabanata 29

272 18 1
                                    

Kabanata 29
Nervous

I wanted to believe that he's bluffing just like a typical Rogan during college days, but the way he acts, and speaks I don't think this is a kind of joke.

"Mommy, may hindi ka ba nasabi saakin?"

Agad kong tinawag si mommy dahil siya ang huling nakausap ni Mr. Congso dahil bukod sa naging busy ako sa preparation sa runaway ng Adore Me at ilang campaigns, hindi ko na 'to nasisingit.

"Adi you never told me you're already here in the Philippines! It's all over the news! Nalaman ko pa sa balita!" Aniya at mukhang kanina pa gusto sumabog sa hinaing.

"I've been calling you since forever! Are you already in La Puerto?"

Napatigil ako sa paglalakad ng may tricycle na dadaan kaya't gumilid ako. Sa sobrang gulantang ko sa nalaman ay nagpaalam agad ako kay Rogan. Alam kong hindi magsisinungaling si Rogan but I wanted to make it sure.

"Yes mommy. I checked the farm and it has a new owner. I thought we already have an agreement with Mr. Congso?"

"What?!" Nalayo ko ang cellphone sa tenga at napabuntong-hininga dahil mukhang wala rin kaalam-alam si Mommy.

"That old man! I knew it! I shouldn't trust his words!"

Ang kaninang concern ni Mommy na di ko pagsabi sakaniya sa pag uwi ko nang Pilipinas ay nabaling sa galit at rant niya para kay Mr. Congso.

I looked around the house and saw that the light was on when I got there. I'm still talking to Mommy, very frustrated with what I told her.

"Mommy, I need to go. Mag-usap na lang ulit tayo mamaya." Paalam ko ng mapagtantong hindi matatapos ang galit ni Mommy.

Paakyat na ako sa veranda at ni-hindi man lang pinagpawisan sa 'jogging' na ginawa. Pero kahit na ganon, bumilis naman ang takbo ng puso ko dahil sa hindi inaasahang tao.

When was the last time Rogan and I talked? It was my father's wake. After that I haven't heard anything about him or what happened in La Puerto.

Natapos rin naman kasi ang investigation sa car accident ni Daddy. At katulad ng unang report ng police saamin, mabilis ang pagpakatakbo ni Daddy sa kaniyang kotse at nagkaroon ng malfunction. Luma na rin kasi ang kotse ni Daddy kaya siguro bumigay na. Kakayanin naman sana kung hindi lang nahulog sa bangin ang sasakyan.

At sinisisi ko ang sarili dahil sana pinilit ko pa si Daddy bumili na ng bagong kotse. Possible hindi pa mangyari 'yon.

"Solenn? Nako nandito ka na nga talaga!" Nahanap agad ng mata ko si Manang Tising na nakaupo sa sofa at mukhang kanina pa ako hinihintay.

"Manang!" Halos mangiyak ako ng makita ulit ang matanda pagkalipas ng nakaraan taon.

Medyo tumatanda na si Manang pero wala naman masyado pinagbago nung huli ko siya nakita. Ganoon pa rin. Ang maliit na mata ay halos hindi na makita ng binigyan niya ako ng napakaganda niyang ngiti.

Umiyak ulit ako. Umiyak rin siya na para bang naiintindihan namin ang nararamdaman ng isa't-isa.

"Kaliwang mata ko na nga lang ang gumagana pero alam kong ikaw ang nakita ko sa TV kagabi!" Kwento ni Manang habang kumakain kami ng hapunan.

Malaking pasasalamat ko talaga sa kay Manong Joe dahil pumunta siyang bayan para makabili ng makakakain. Tama nga si Vi kailangan ko ng kasama, hindi para sa bodyguard kundi katulong sa mga kakailanganin sa bahay.

"Nagbakasali akong umuwi ka na agad sa La Puerto kahit pinipilit nila Peter na nasa Maynila ka pa kaya pumunta ako dito. Nako Solenn sikat na sikat ka na!" Marahan ang pagngiti ko habang pinapanuod si Manang na excited na excited magkwento saakin.

La Puerto #1: Along with the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon