ikauna

1K 26 19
                                    

Sa baryo ng Culianan, maingay na nag-titinda si Carrie habang bitbit niya ang isang malaking balao at punong-puno ito ng mga kakanin.

"Tamales! Puto kayo diyan!" Sigaw niya habang naghahanap ng mga mambibili. Maya-maya pa ay may lumapit sa kaniyang isang babae.

"Isang tamales nga Carrie. Tsaka, totoo ba 'tong nabalitaan naming hindi ka na daw papasok ngayong school year?" Sabi't tanong ni Aling Marites, napatigil naman si Carrie sa pagkuha ng tamales nang sabihin niya iyon.

"Ahh, opo." Sagot nito pagkasabay ng pag-lagay niya ng kakanin sa plastic.

"Bakit naman?"

"30 pesos po ito, Aling Marites." Hindi na niya sinagot ang tanong nito at inilahad ang tamales sa harapan niya. Inirapan siya nito at ibinigay sa kaniya ang bayad pagkasabay ng kaniyang paglakad.

Dahil sa tanong na 'yun para siyang nawawalan ng ganang mag-benta. Ayaw na ayaw ni Carrie na itinatanong ng mga tao tungkol sa kaniyang pag-aaral, dahil alam niyang lalaitin siya ng mga ito.

"Hays, sa kadami-daming mga tao, si Marites pa ang unang naging customer mo ngayong araw." Nagulat si Carrie sa biglang pag-singit ng kaniyang pinsan na si Ken, inakbayan siya nito't tinulungan sa isa pang bilao.

"Hay, salamat Manong." Sambit nito at nagsimula na silang mag-lakad papunta sa ibang lugar para doon mag-benta. "Bakit nga ba Carrie?" Tanong sa kaniya ni Ken, nahihiya siyang tumingin sa kaniyang pinsan at tumingin muli sa kanilang dinadaanan.

"Ayaw ko na, wala naman na akong sapat na pera para sa tuitions. Tsaka, okay na 'tong natutulungan ko si Nanay sa mga gawain niya sa bahay." Mahaba nitong paliwanag, tango nalang ang naisagot ng kaniyang pinsan.

"Approve na ba, Manong?" Dagdag pa niya, tinawanan lang siya ng kaniyang pinsan na para bang demonyo.

Alas-nwebe na ng umaga nang matapos ang dalawang mag-pinsan sa pagtitinda ng mga kakanin.

"Sige na, Manong." Sabi ni Carrie, tumango naman si Ken. Nauna namang naglakad si Carrie pauwi na sa kanilang bahay.

----

"What the heck, Jen!?" Sigaw ni Justin at binato sa kaniyang secretary ang mga paper works na gawa nitong design. "Hindi ka ba nakinig sa mga instruction 'ko!? Nakakalimutan mo yatang ako ang CEO dito." Dagdag pa nito habang naka-upo sa kaniyang swivel chair.

Nakayuko ngayon si Jen pagkasabay ng kaniyang pag-tulo ng mga luha nito sa kaniyang mata.

"I'm so-sorry po S-sir." Humihikbing sambit nito, inirapan lang siya ni Justin at pinaghahagis niya ang mga papeles mula sa kaniyang lamesa.

"Get out!" Sigaw ni Justin at galit niyang tinuro kay Jen ang pinto. Nang makita niya muli ang papel na nagpa-init ng kaniyang ulo.

"Take these shit out of my office!" Sigaw ulit nito at itinapon ang papel. Umiiyak na kinuha 'yun ni Jen. "After lunch, linisin mo 'to then you are fired." Sabi nito, tumayo ito at kinuha ang kaniyang suit case.

Nang makapasok na si Justin ng kotse pina-andar niya ang kaniyang kotse nang biglang may pumasok sa passenger seat na ikinagulat niya.

"What the fuck, Josh!? Nagulat ako sa'yo!" Sigaw niya at napahampas sa manobela, tumawa lang si Josh at tinap-tap ang kaniyang balikat.

"Ang oa mo, baby Jah." Sabi niya at pabebe ang kaniyang tono ng boses. Nakangiting napa-iling si Justin dahil sa sinabi ni Josh. "Oy! Naalala si Rose." Pangangasar ng kaibigan sa kaniya habang nakangiti ng malawak si Justin.

"Bakit ka kasi bigla-biglang pumapasok?" Tanong nito habang naka-kunot ang kaniyang noo. He cleared his throat. "Kasi, si Tita Gem, pinapasabi niya saakin na umuwi ka ng maaga sa bahay niyo." Sagot ni Josh, napa-irap ito't umiling nanaman.

"Hays, tara na." Sabi nito at nagsimula nang mag-maneho pauwi sa kaniyang bahay.

Nang maka-uwi ang dalawa ay walang emosyong binati ni Justin ang kaniyang Ina.

"By the way, Jah. I've heard na pinagalitan mo nanaman si Jen, sobrang init ng ulo mo sa secretary mo ah." Sabi ng mama nito pagkatapos nilang mag-beso.

"Mom, she didn't even listened to my instructions about the project. I'm a ceo, dapat lang sakaniya na magalit ako." Explain nito sa kaniyang Ina nang biglang lumapit ang kaniyang Ama.

"But Justin, Jen is still your secretary."

"Mom, Dad, pinapunta niyo po ba ako dito para pagsabihan ako?" Inis nitong sabi, napa-bugtong hininga naman ang kaniyang magulang.

"Justinㅡ."

"Dad, malaki na ako, alam ko na ang mga ginagawa 'ko!" Sigaw nito at halatang nagtitimpi na ang mga magulang niya.

"Justin! Respect us, we're your family! Kung hindi mo kami igagalang, respect us as human." Galit na sambit ng kaniyang ama, masama ang tingin nila sa isa't-isa kaya naman agad siyang umalis sa harap ng kaniyang magulang.

Lumapit si Josh sa magulang ni Justin habang ang mukha nito ay malungkot. "I'm sorry po, tita, tito." Tumango nalang ang kaniyang magulang at sinundan siya ni Josh.

----

Habang nag-lalaba si Carrie ay biglang dumating ang mga anak ni Marites na sina Jonalyn at Teresa. Kahit na kung minsan naiinis si Carrie sa nanay nila o sa mga anak nito, nagagawa niya pa 'ring kausapin ito.

"Hoy, Carrie." Tawag ni Teresa sa kaniya at lumingon ito bilang pagsagot. "Wala ka namang trabaho diba?" Dagdag pa nito, tumingin siya sa kaniyang kapatid at ngumiti.

"Ah, oo. Bakit?" Simpleng sagot niya sa dalawang dalaga.

"Kasi, pupunta kami ng Maynila para doon mag-apply ng katulong." Sambit naman ni Jonalyn, tumango-tango naman si Teresa.

"Ang sabi daw, malaki ang sahod, gwapo din ang magiging boss." Dagdag pa nito at kinilig ang dalawa.

'Hmm? Papayag kaya si Nanay?'


















The updates in this account are strictly work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Kindly understand the typos, grammar errors and lutang moments, I have a lot of works to do, slow updates also. Thanks!

All Right Reserved 2021
Godbless you all, enjoy and read well.

Maid in Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon