'Hmm? Papayag kaya si Nanay?'
Pagkatapos maglaba at mag-sampay ni Carrie ay agad niyang tinawag ang kaniyang Ina. "Nay? Gusto ko po sanang mag-trabaho sa Maynila." Sabi nito nang makalabas ng kwarto ang kaniyang Ina.
"Anakㅡ."
"Nako, Carrie! Ang alam ko, mahirap sa Maynila." Biglang singit ni Ken na ikinagulat nilang dalawa mag-ina. "Ambot Felip Jhon. Alam mo nak, mahirap ang buhay sa Maynila, wala 'kang kakilala doon." Sabi ng kaniyang Ina, medyo nalungkot si Carrie sa sinabi ng kaniyang Ina.
"Pero 'nang, may kakilala ako doon sa Maynila na pwedeng-pwedeng mag-bantay kay Carrie, tsaka sasamahan ko rin po siya." Singit ulit ni Ken, tumingin ang Ina nito sa kaniya.
"Gusto mo ba talagang pumunta sa Maynila?" Tanong nito, ngumiti ng malawak si Carrie at tumango-tango.
"Mag-iingat kayo ha, pag may problema tawagan niyo ako." Sabi nito at niyakap si Carrie, nakatingin lang sa kaniya si Ken, hinila siya ng Ina ni Carrie kaya nakayakap na rin siya.
"Bantayan niyo ang isa't-isa." Dagdag pa nito, tumango si Carrie at Ken.
----
Lumabas ng kwarto si Justin nang harangan siya ng kapatid niyang si Julian. Seryoso niya itong tinignan at dadaan sana sa tabi nang harangan siya muli. "Diko, mal-late na ako sa trabaho." Malamig na sambit nito, dadaan na sana ito nang biglang siyang tinulak ng malakas dahilan para mapadikit sa pader.
"Don't you dare do that again! Alam mo namang may sakit si Mommy, diba!? Okay na siya, Jah! Tigil-tigilan mo 'yang ugali mo, nang dahil sa'yo baka bumalik ang sakit niya!" Umalis ang kuya niya sa kaniyang harapan, he clenched his jaw and exhaled his breath.
Nang makarating si Justin sa opisina ang lahat ng mga workers ay tahimik at tila bang dinaanan sila ng anghel.
"G-g-good morning po, Sir. I'm sorry for last day po." Paumanhin ni Jen habang nakayuko, she bit her lip.
"It's okay, get me some coffee." Malamig na sambit nito, tumingin sakaniya si Jen na may pag-tataka.
"I'm not fired sir?" Tanong nito habang nakaturo sa kaniyang sarili.
"Would I asked you some coffee if you're fired?" he gave him a sarcastic tone. Nakangiting tumango-tango naman si Jen, tumalikod ito at hindi nagpa-halatang namumula.
----
Matapos ang ilang araw at ngayon na ang kanilang alis nina Ken at Carrie. "Mag-iingat kayo!" Sigaw ng kaniyang Ina habang kumakaway sa dalawang mag-pinsan na naka-sakay na ng bus.
Kumaway pabalik ang dalawa nang magsimulang umandar na ang bus. "Mami-miss ko dito, hays." Sambit ni Ken bago niya inilagay ang earphones sa kaniyang tainga. Tumitingin lang sa tanawin si Carrie habang si Ken ay nakasandal ang ulo sa upuan at ang kaniyang mga mata ay nakapikit.
Ilang oras ang kanilang byahe patungo sa barko, nakaramdam ng antok si Carrie kaya napag-isipan niyang matulog muna habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Ken.
Lumipas ang isang araw na byahe, halos alas-otse ng umaga nang makarating at makababa sila sa bus station, agad namang kinuha ni Ken ang kanilang dalawang balikbayan box. "Teka lang, Insan. Text ko lang 'tong mokong 'to."
Tumitingin-tingin lang si Carrie sa mga bus na tumitigil sa gawing kanan at mga taong naghihintay sa gawing kaliwa naman nila.
"Parating na daw 'tong si Stell." Sabi ni Ken habang nakatingin sa kaniyang phone. Kinuot niya ang kaniyang noo. "Si Stell na taga Las Piñas, may dalang kotse 'yun." Paliwanag ni Ken, tango nalang ang naisagot ng kaniyang pinsan, napansin niyang napatahimik ni Carrie kaya kinalabit niya ito.
"Ganito pala pag nasa syudad ka, Felip Jhon." Sabi nito habang nakatingin sa mga maiingay na mga tao, mga taong naglalako ng mga pagkain sa kalsada.
"Ahh, oo. Maingay dito, pero kahit na ganon malalaki ang mga mall dito." Tumawa ito ng parang demonyo, tinignan lang siya ni Carrie at tumingin na muli sa mga taong naglalako.
Lumipas ang ilang minutong paghihintay, hindi nila inaasahan na may humintong van sa harap nila.
"Sino 'to?" Pabulong na tanong ni Ken sa kaniyang pinsan.
Bumaba ang lalaking naka-shade at may ngiti sa labi, nahulog ang panga nilang dalawa nang tanggalin ng lalaki ang kaniyang suot-suot na shade. "S-stell!?" Nauutal na sigaw ni Ken at agad niyang niyakap ito habang tumatawa.
"Ako nga, bestpal!" Sigaw din nito pabalik, naiwang nakatunganga si Carrie sa likod ni Ken. Napansin agad siya ni Stell kaya kumawala muna silang dalawa sa pag-yakap. "Siya ba 'yung pinsan mo?" Bulong nito.
"Oo, hoy! Single 'yan!" He proudly said. Inakbayan niya si Carrie at nahihiya namang ngumiti ang dalaga.
"Nice to meet you, I'm Stellㅡ."
"Carrie, Carrie Garcia ang pangalan niya." Singit ni Ken, inilahad ni Stell ang kaniyang kamay at kinuha 'yun ni Carrie. "Yiee, shake hands."
Hinampas nilang dalawa si Ken sa magkabilang balikat at pumunta na sa mga bagahe upang mailagay na sa bagahe.
----
"Do you want our idea Mr. De Dios?" Tanong ni Ely, nakatingin lang sakanila si Justin habang ipinapaikot-ikot ang ballpen sa kaniyang daliri.
"There's..." kinakabahan ang team ni Ely sa kaniyang sasabihin. He seductively bit the top of the ballpen. "No uniqueness." Tumayo ito at pinuntahan si Ely sa unahan, seryoso ang kaniyang mukha.
"Why don't we make an art for our heroes? Others celebration are totally common like birthdays and christmas." Explain nito, tumingin si Ely sa mga kasamahan niya, but then, Janelle raised her right hand, tinaas ni Justin ang kanang kilay nito.
"But sir, I'm sure marami na pong gumagawa ng mga ganyan."
"Put some uniqueness. Problema niyo 'yan, so dapat kayo na rin ang gagawa ng solusyon." Malamig nitong sabi at lumabas ng opisina. Dumiretso siya sa elevator, pag-bukas nito ay agad naman itong pumasok. But then his phone rang.
"Hello?"
Kailangan mo nang umuwi.
"Oo, diko. Pauwi na ako. May problema ba sila Dad?"
Tsaka na namin sasabihin pag umuwi ka na dito. Just faster.
"Okay."
Umuwi siya ng bahay at may nakitang may tatlong babae na naka-upo sa sofa.
"Who are they?" Tanong nito sa kaniyang Ina at inilagay ang suit case sa isa pang couch.
"One of them will be your maid."
BINABASA MO ANG
Maid in Love.
FanfictionCarrie Sepico Garcia, babaeng probinsyanang hindi nakapag-tapos ng pag-aaral para lang tulungan ang kaniyang nanay sa pagtitinda ng suman at kung ano-ano pang mga kakanin. Isinabak siya ng isang sa mga anak ni Marites na maging isang katulong sa Ma...