ikasampu

392 17 3
                                    

Lumabas ako ng bahay para sundan siya, alam 'kong nakalayo na 'yung babaeng 'yun. Tuloy lang ang paglakad ko nang biglang kumulog. "Shit! Malas naman." Bulong ko at tumakbo na para mahanap si Carrie.

Ilang minuto pa ang takbo ko at saktong papalabas na siya ng guard house. "Hoy, Carrie Garcia!" Sigaw ko sakaniya at lumingon ito kaagad. Lumapit siya saakin nang hindi namin inaasahan ang malakas na kulog ang aming masasaksihan kaya napayakap ito.

"Nagulat ka noh?" Pangangasar ko sakaniya, kumawala siya sa pagyakap at umirap. "Okay... I, would like to say sorry. Huwag ka nang umalis, kailangan ko kayo ni Manang." Seryoso kong sambit habang nakatingin sa kaniyang maamong mukha.

"Sincere ka ba diyan?" Pangangasar nito, tumango ako at malawak akong ngumiti. Nang biglang kumulog ulit ng malakas kaya nagulat kaming dalawa.

"Tara na sa bahay, i'm sure uulan na 'to." Tumango siya sa aking sinabi. Inilahad ko ang aking kamay, hindi niya 'yon pinansin at naunang maglakad.

----

Ken's Point of View:


Habang nagsa-saing ako ay biglang may kumatok sa pintuan, napakamot naman ako ng ulo dahil sa nakaka-istorbo ito. Pinuntahan ko ito at binuksan, "Oh, Stell. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakaniya, napatayo naman si Pablo at ibinaba ang kaniyang gitara.


"Ibabalita ko lang naman ito sainyo." Nasasabik niyang sambit, nagkatinginan kami ni Pablo at tumigin muli kay Stell.

"Sa linggo, fiesta dito!" Masayang sigaw nito kaya napatakip kaming dalawa ng tenga. "Ay, sorry hehe." Dagdag pa niya nang mapansin naingayan kaming dalawa ni Pablo.

"Anong gagawin namin?" Tanong ni Pablo sakaniya at nagkibit-balikat. Ate chona in the house y'all.

"Sabihin niyo kay Carrie para kumpleto tayo dito." Sabi nito kaya napasapo kaming dalawa sa noo. "Akala ko naman maghahanda kami, oo sasabihin ko kay Carrie." Sambit ko at tatalikod na nang hawakan niya ang aking balikat.


"Sagot na namin Ken ang pameryenda. Kumpleto lang tayong magce-celebrate." Sabi ni Stell, tumango-tango kami ni Pablo. "Tulungan ko na kayo." Dagdag pa niya at pumunta sa rice cooker na kanina inaasikaso ko.

"Sige salamat! Tawagan ko lang si Carrie." Sabi ko, tumango lang silang dalawa at kinuha ko na rin ang aking phone at lumayo sa dalawa 'kong kasama.

"Hello!"

Oh? Manong, bakit po?

"Sa Linggo dapat kang umuwi dito, fiesta daw dito eh."

Ahh, sige po. Isasama ko si Sir Justin at Manang Linda nakakaawa naman kasi na maiwan siya dito.

"Ha!? 'Yung mokong 'yun, bakit mo pa 'yan isasama? Eh malaki ang atraso niyan saakin."

Manong, responsibilidad ko po 'yan si Sir Justin, pinagkatiwalaan siya ng mama niya saakin eh.

"Ano ba 'yan aso!? Tsk, oo na! Oh siya, mag-ingat ka diyan. Tawagan mo 'ko kung sinasaktan ka niyan, okay?"

Opo, manong. Bye!

"Oo, bye na!"

----

Carrie's Point of View:

Pinatay ko ang call namin ni Manong Ken at bumalik sa dining table kung saan naka-upo si Sir Justin, para mailigpit ko na rin ang mga kalat niya. "Sinong tumawag sayo?"


"Ah yung pinsan ko. Sir? Gusto mo po bang sumama sa Linggo?"

"Saan?"

"Sa Las Piñas, fiesta kasi doon eh."

Maid in Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon